Chapter 08

79 2 2
                                    

Misty's POV


"Misty,"


"Naiinis ako sayo." Naglakad na ako paalis kasi naalala kong galit nga pala ako sa kaniya.

Wala pa naman akong dalawang headphone ngayon kaya hindi ko talaga siya makakausap ng maayos lalo na sa mga crowded places.


"Hoy." Pumasok agad ako sa isang room dito sa Adelaide nang hindi pa rin siya umaalis.


Hindi pa naman nagsisimula ang program. Bahala na.


"Bakit ka biglang umalis? Alam mo bang hinanap kita buong gabi? Nilibot ko yung kalsada kakasigaw ng pangalan mo pero wala akong narinig man lang galing sayo. Gulong-gulo ako nung araw na yun kasi wala naman akong ginawang masama para umalis ka ng ganon. May ginawa ba ako? May nasabi ba akong mali?? Ilang beses kong tinanong ang sarili ko pero wala akong makuha na sagot." Napabuntong hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Nagiging emosyonal na naman ako at hindi na ako natutuwa doon.



Alam kong normal naman na maramdaman ko ang mga emosyon na meron ako ngayon pero mali kasi. Parang mali.


Tiningnan ko ulit siya na nanatiling tahimik. Hinahayaan akong magsalita. "Para akong mababaliw nun. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya naiinis ako sayo. Naiinis ako sayo ng sobra at halos hindi ako makatulog ng maayos dahil sa inis ko sayo. Ayoko ng biglang umaalis ng walang paalam. Ayoko ng ganon. Kasi ang dami kong naiiwanan na tanong. Ang dami kong gustong malaman. As much as you can kung aalis ka, sana ay sabihin mo sa akin ng diretso para makapagtanong ako ng mga bagay-bagay sa isipan ko at hindi ganito na gulong-gulo ako!"


Emosyonal ko talagang sinabi yun at wala pang hingaan kaya hinihingal ako nang matapos. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang pumasok sa utak ko dahil yan talaga ang gusto kong malaman mula sa kaniya. Gusto kong sagutin niya lahat ng bagay na gusto kong makuhaan ng sagot. Selfish man or childish pero yun ang gusto ko.


"Tapos ka na ba?" Halatang natatawang tanong niya kaya napairap agad ako. Halata sa boses niya na natatawa siya sa akin.


"Huwag mo akong tawanan." Diretso kong sabi sa kaniya. "Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa akin."


"Okay, sorry." Natatawa niyang sagot. "Nandoon pa rin ako."


"Huh?"


"Nung gabi na hinanap mo ako, nandoon ako." Sumama agad ang tingin ko nang marinig mula sa kaniya yun kaya mas lalo lang siyang natawa.


Ayan ang advantage niya. Hindi ko kasi siya nakikita kaya once na tumahimik siya, hindi ko na alam kung nasa paligid pa ba siya or wala na.


"Nandoon ka pala nun edi sana sumagot ka!"


"Tss. Paano ko gagawin yun eh aalis na nga ako?" Napatigil ako sa sinabi niya. Aalis na siya. Bakit siya aalis? "Yun ang plano ko."


"Huh?"


"Balak ko ng umalis. Ako nalang ang maghahanap ng mga bagay bagay na tungkol sa akin pero palagi kong natatagpuan ang sarili ko sa harapan ng bahay ninyo." Napaiwas ako ng tingin nang marinig na sabihin niya yun.


Hindi naman ako kinikilig.


Ang dali mo talaga utuin, Misty.


"Tss."


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon