Chapter 09

77 2 2
                                    

Misty's POV


Nagsimula na kami sa second sem at mas ramdam ko ang bigat dahil sa dami ng activities at projects namin.


Madalas pa akong umuwi ng gabi kaya nahihiya na ako kay Mama kasi parang wala naman na akong ginagawa sa bahay.


"Naiintindihan ka naman ni Mama." Natural na sagot ni Kai habang nagluluto ng noodles na ipinaluto sa kaniya ni Louie at Olivia na nasa sala. Si Amara at Benj kasi ay hindi pa umuuwi dahil may ganap daw ang University nila ngayon at gusto nilang makigulo kaya kami ni Kai ang naiwanan sa mga bata. Mabuti na nga lang at maaga akong nakauwi ngayon eh. Kung hindi, kawawa naman 'tong si Kai.


Kahit hindi siya nagrereklamo ay nakakahiya pa rin.


"Kahit na. Nakakahiya pa rin. Ni hindi niyo nga ata maramdaman na nandito pa ako eh." Masama talaga ang loob ko. Ilang araw kasi talaga akong hindi nakasama sa kanila. Kapag agahan pa, nagmamadali ako kaya ang ending, hindi na ako nakakasali sa asaran nila.


"Ate, you're just overthinking. Everything's fine." Buntong-hininga na sabi ni Kai. "Naiintindihan naming lahat na busy ka. You're so stressed kaya imbes na magtampo sayo, mas nag-aalala pa kami."


"Talaga?"


"Yeah." Pinanood ko siyang ilagay sa lalagyanan ang noodles at tawagin si Louie at Olivia na nanonood sa living room.


"Hi, Ate Misty." Nakangiting bati ni Louie. Ang pogi pogi talaga ng kapatid ko na 'to.


"How's school, Louie?"


"Okay lang po. Ang taas ng mga score ko sa exam." Napamaang agad ako sa sinabi niya. He is a grade 2 student kasi.


"Anong gusto mong reward?" Napansin ko ang paglingon ni Olivia nang marinig ang magic word na sinabi ko kaya natawa agad si Kai.


"Mainit, Olivia." Saway niya kay Olivia na hindi naman na siya pinansin at lumapit sa akin.


"Ako rin, Ate."


"Bakit? Matataas din ba exams mo?" Pang-aasar ko sa kaniya. Minsan kasi ang sarap utuin ng mga 'to. Patola talaga.


"Mataas. Feeling ko nga kasali ako sa honor eh." Nagyayabang na sabi niya.


Aba. "Talaga ba?"


"Oo nga!"


"Okay. Ano bang gusto niyong dalawa?" Tanong ko sa kanila at bahagya pang pinunasan ang pisngi ni Louie kasi may noodles pa doon. Talaga naman oo. Kaya ang dami ng tissue na ipinapadala ni Mama dito kay Louie kasi ang dumi niya pa rin kumain. Ang tagal na naman itinuturo sa kaniya yan kaso mas importante sa kaniya ang gutom niya kaya ang laki-laki niya.


"Ako gusto ko yung painting by numbers ate sa mall? Kahit isa lang tapos unicorn ang naka-drawing." Nakangiting sabi ni Olivia na ikinatango ko. Mura lang naman yun kaya bibilhin ko na kasi pasok pa rin naman siya sa allowance na ibinibigay ni Mama.


"Ako po gusto ko ng bike."


"Wow. Bike raw." Pang-aasar ni Kai nang marinig ang request ni Louie. "Bike raw Ate Misty."


"B-bike ang gusto mo?" Baka namali lang ako ng rinig.


Mahal ang bike jusko!!


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon