Kiervy's POV
At dahil sa pagtugtog ko, alam kong nagduda na ang kapatid niya.
"Sinong kasama mo dito? Narinig kong tumutugtog ang gitara ko." Oh shoot. Nakalimutan kong hindi nga pala si Misty ang tao dito.
"Huh? Nag-aaral ako dito." Natawa agad ako nang makita ang reaksiyon ni Misty. Ang galing naman umacting nito. Pfft.
"May narinig akong tumutugtog ng gitara kanina. Akala ko ay dito galing sa kwarto mo."
"Kung maganda ang pagkakatugtog ng narinig mo, malamang sa malamang hindi ako yun eh hindi naman ako marunong mag-gitara." Make sense. Pfft.
Ang galing talaga ng crush ko.
"Marunong ka pala maggitara?" Curious na tanong niya at tumabi sa akin. Kinuha ko naman ang hello kitty na headband dahil nasanay na akong suot yun. Isa na siya sa paborito ko dito sa kwarto ni Misty.
"Nagulat din ako nang maalala yung chords eh." Totoo yun. Hindi ako makapaniwala na may talent naman pala ako.
"May girlfriend ka kaya?" Nag-angat agad ako ng tingin sa kaniya sa itinanong niya. Hindi pumasok sa isip ko yun pero malakas naman ang pakiramdam ko na wala dahil parang wala naman akong nami-miss or what.
"Hindi ko rin alam eh." Sagot ko dahil yun ang totoo. Bahala na. Hindi ko naman kilala kung sino ako. Mas kilala ko pa nga si Misty kesa sa sariling buhay ko.
Gustong-gusto ko talaga kapag nakikitang magkakasama si Misty at ang mga kapatid niya. Kahit hindi sila magkakadugo ay nagkakasundo sila at natutuwa talaga ako doon.
"Ang ganda mo kapag masaya ka," Wala sa sarili kong sabi habang pinapanood siyang mag-ayos ng kurtina dito sa kwarto niya. Napansin ko pa ang gulat na reaksiyon niya kaya nag-panic ako at binago agad ang sinabi ko. "I mean, mas okay kapag nakangiti ka."
Shitt. Baka mahalata niya na gusto ko siya nakakahiya. Putcha, ngayon pa talaga ako nahiya.
"Palagi naman akong masaya ah."
"Oo nga kaya dapat hindi mawala yun. Pakiramdam ko kapag malungkot ka, malungkot na rin ang mga tao sa paligid mo."
Isa na ako doon. Naapektuhan niya talaga ng sobra ang emosyon ko. Kapag masaya siya, ang saya ko rin. Kapag malungkot siya, malungkot din ako. Hay nako. Ang lakas ng tama ko sa kaniya.
Masiyadong malalim ang pana ni kupido para sa multong kagaya ko.
Nakumpirma ko agad na may gusto talaga sa kaniya si Haines nung sumunod na araw dahil sa kwento ng kaibigan niya kaso naging pabor pa ata sa akin na manhid si Misty at hindi man lang naramdaman na siya yung nagugustuhan ni Haines. Pfft.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Luh.
"Huwag na Misty. Magsisimula na ang klase niyo." Hindi ba? Malapit na dumating ang professor niya kaya bakit aalis pa siya?
Itong si Haines naturingang class representative, alis ng alis.
"It's about him."
Tungkol daw sa akin kaya naging interesado na rin ako. Tungkol sa akin eh.
"May problema ba?"
"About Kiervy, he's a student from Winnifred University."
WHAAAAAT??
Eh bakit hindi ko maalala ang Winnifred University??
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...