Chapter 17

71 2 0
                                    

Misty's POV


Hinila agad ako nila Elia sa photography club since wala naman daw tao doon ngayon kaya doon nila sasabihin lahat ng nalaman nila. Kumuha pa sila ng laptop at kaniya-kaniya nilang upuan habang ako ay hindi ko ma-digest ang mga sinabi nila.


"This is Kiervy Bevin Lawson," turo ni Haines sa picture ni Kiervy na nasa harapan ko. That's his instagram at tatlo lang ang photo. One is sa Paris, second one is his family and the last one is his photo na naka-casual attire siya kasama ang ilang mga student. "He is the former president of the student council of Winnifred University."


Wow.


"Gagi ang pogi ni Kiervy!!!" Rinig kong sabi ni Nica pero nanatili ang tingin ko sa laptop at sa itsura niya.


Gusto ko biglang matawa.


Kaya naman pala hindi niya ako gusto kasi ang layo niya naman pala sa 'kin.


Nakakahiya ka, Misty.


"Sabi ko na pamilyar siya eh kasi sikat pala siya sa Winnifred University!!! Kalat din photos niya online before kaso biglang nag-lowkey kasi nag-ibang bansa daw." Paliwanag naman ni Elia habang kinikilig din na nakatingin sa picture ni Kiervy na nasa harapan namin.


"Ang sinabi sa amin ay nasa ibang bansa daw si Kiervy ngayon at nag-aaral doon. But something's wrong, right? Bakit nandito ang soul ni Kiervy? Something happened to him na hindi na siguro ipinagkalat." Paliwanag ni Haines at inilagay ang cellphone niya sa harapan ko kaya nagbaba agad ako ng tingin doon. "Aeron Jones is his best friend." Napunta ang atensiyon ko sa sinabi niya.


"Aeron?"


"Yeah. Yung tumugtog nung previous event dito sa Adelaide? That's his bestfriend. And through him, maibabalik na natin si Kiervy sa katawan niya as soon as makausap natin si Aeron." Nakangiti na sabi ni Haines. Babalik na si Kiervy. Aalis na siya. "May problema ba, Misty?"


Nag-angat agad ako ng tingin sa kanila na nakatingin na ng diretso sa akin ngayon. "Ah wala." Ramdam ko ang titig ni Nica sa akin pero ibinalik ko lang ang atensiyon ko sa picture ni Kiervy sa instagram.


Thousand ang follower niya sa instagram at may ilang artista din akong kilala na pina-follow niya.


"Ang kailangan nalang nating gawin ay makausap si Aeron." Diretsong sabi ni Haines.


"Ako na," Natural na sabi ko sa kanila. "Ako na ang kakausap."


Gusto ko rin kasing magtanong.


Bumalik na rin kami sa klase namin pagkatapos nun kasi may exam kami na sana hindi muna ibinigay ngayon kasi blangko talaga ang utak ko. Wala man lang akong maisagot. Nakakainis.


Sabi ko na once na malaman namin ang buong pangalan niya, madali nalang ang lahat.


Madali na nga lang ba??


Hindi ko na rin alam.


Umuwi na ako ng bahay at balak kausapin si Aeron bukas. Wala naman akong klase after lunch kaya nag-message ako kay Aeron na kung pwede ko siyang makausap bukas na pumayag naman agad since kilala na niya ako.


Nakuha ko ang number niya doon sa tinanungan ni Haines.


"Maglilinis ako ng kwarto ko." Yun agad ang sinabi ko kila Mama pagdating ko sa bahay na hindi naman nila sinagot kasi dumiretso talaga ako sa itaas.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon