Misty's POV
Anong oras na ako umuwi ng bahay at hindi ko pa rin nakikita si Kiervy.
Halos mabaliw ako.
Pinunasan ko agad ang mga mata ko bago pumasok sa bahay. For sure ay magang-maga na ang mga mata ko dahil iyak na iyak ako habang hinahanap si Kiervy.
Paano ko nga ba matatagpuan si Kiervy na mukhang ayaw din naman magpakita?
Baka nga okay na rin ang ganito. Halos dalawang linggo ko palang naman siyang kasama kaya nagtataka ako sa naging epekto niya sa akin.
Siguro kasi siya lang yung nag-iisa sa mundo na 'to na tumanggap sa kakayahan na meron ako. Na hindi umalis sa tabi ko. Baka dahil doon kaya ganito ako.
Kaya ayaw ko na siyang bitawan.
Pero ngayon, hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik siya o hindi nalang, ni hindi ko alam ang reason niya kung bakit siya umalis pero napapaisip din ako na baka narinig niya ang usapan namin ni Haines at ni Mama kanina.
Hindi naman siya manhid.
Alam kong may maiisip siya at may maiisip once na marinig niya ang nangyari sa akin dati.
Kiervy is kind and considerate.
Kinabukasan ay kagaya ng inaasahan ko, magang-maga talaga ang mata ko kaya kinailangan kong magsuot ng eye glasses.
"Anong nangyari sa mata mo?" Nagugulat na tanong ni Kai dahil siya ang unang nakapansin ng mata ko. Pati tuloy si Mama ay napakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"Nanood ako ng movie kagabi at hindi ko kinaya ang impact sa utak ko." Natatawa kong sabi na ikinangiwi agad nilang lahat.
"Kaya ka naman pala lumabas para bumili ng midnight snack." Natatawang sabi ni Mama. "Hindi ba't may exam ka ngayon? Bakit ka nagpuyat?"
"Maaga pa rin naman po ako natulog since isang movie lang yun."
Sige. Lokohin natin ang sarili natin.
"Okay. Kain na kayo." Nakangiti niyang sabi kaya umupo na ako sa upuan ko.
"Ah Ma, sa monday po pala baka late ako umuwi." Nakuha agad nun ang atensiyon nilang lahat. "May event po kasi sa Adelaide and yung photography club ang nabigyan ng task for documentation. Kaya baka after ng event, magkaroon pa po kami ng meeting about sa compilation ng pictures. Baka po kasi mag-alala kayo kapag late na ako nakauwi."
"Luh. Dapat hindi ka na nagsabi, Ate." Sabat agad ni Benj. "Ako nga nalalaman lang ni Mama na late ako nauwi kapag nakauwi na ako eh para surprise."
"Surprise eh halos atakihin na sa puso si Mama dahil sa pag-uwi mo tuwing gabi." Reklamo ni Amara. "Minsan nga magtino ka naman Benj. Si Kuya Kai ay kahit may ginagawa, talagang napapalabas masundo ka lang."
"Nagbigay lang naman ako ng opinyon ko??? Tsaka hoy hindi ko na uulitin." Nakasimangot na sabi ni Benj dahil inaway na siya ni Amara. "Nung nakaraan na pinag-alala ko si Mama, pinagalitan ako ni Kuya tapos kinuha pa ang cellphone ko."
"Para madala ka talaga." Natural lang na sagot ni Kai.
"Ang sungit mo palagi sa akin," Masama na ang loob ni Benj kay Kai. Palibhasa kasi kapag may ginagawa siyang hindi maganda, si Kai talaga ang nagagalit sa kaniya. Pinagsasabihan siya ni Kai kaya hindi na siya umuulit. Grabe ang takot niya kay Kai. "Si Ate Misty nalang talaga ang nagmamahal sa akin dito. Hindi ba Ate?" Ako agad ang nabunot niya dahil wala na siyang kakampi. Pfft.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
AcakMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...