Misty's POV
"I don't care and it doesn't matter. Leave me alone, Aeron." Rinig kong sabi ni Katelyn bago bumagsak na naman ang pintuan.
Ilang minuto pa ata ang lumipas bago ko naisipan na lumabas pero napatigil din nang makita ang diretsong tingin ni Aeron sa akin.
His eyes.
Nasasaktan ang mga mata niya.
"Y-you..... heard it?" Hindi ako nagsalita at dumiretso sa sink para maghugas ng kamay bago siya tiningnan ng diretso sa mata gamit ang salamin sa harapan namin.
Sana hindi niya mapansin ang panginginig ng kamay ko.
"Why did..... why did you do it, Aeron?" Emosyonal na tanong ko at tuluyang tumingin sa kaniya na ngayon ay emosyonal na rin. "Why? Kaibigan mo si Kiervy. Itinuturing ka nung tao na matalik niyang kaibigan and knowing na may kinalaman ka sa accident na yun....." hindi ko alam kung anong sakit ang madudulot nito kay Kiervy.
Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal.
Aeron matters a lot kay Kiervy. Hindi man halata but Kiervy treat him as his closest friend.
"You saw the video?" Mas lalo lang akong napatigil nang itanong niya sa 'kin yun. Ni hindi niya sinubukan na sagutin ang mga katanungan ko dahil diretso niyang binago ang pinag-uusapan.
"P-paano..."
Paano niya nalaman?
"I asked her to keep the video at ibigay sayo kapag naging okay na ang situation ni Kiervy." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"A-ano?"
"Wala akong lakas ng loob na ibigay ng diretso kay Kiervy because I know it will hurt him..... big time."
"Alam mo naman pala pero.... pero bakit? Bakit mo pa rin ginawa?? Hindi ko ma——"
"I like Katelyn," napaatras ako sa narinig nang pigilan niya ako sa mga susunod ko pang sasabihin. Mabuti nalang at nakasandal ako dito sa sink dahil kung hindi, baka natumba na ako. Hindi ko kaya. Hindi ko maisip. "At ang naiisip ko nalang na paraan para maprotektahan siya nung mga panahon na yun ay itago ang katotohanan."
"You are protecting a murderer, Aeron." Kita ko ang galit sa mga mata niya nang sabihin ko ang mga salitang yun.
"She's not a murderer. Katelyn is not stable that time."
"Stable man o hindi, dapat ay responsibility niya yung mga action niya."
"Hindi. Hindi ganon yun."
"Eh anong tawag mo doon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kahit baligtarin mo ang sitwasyon, lalabas at lalabas ang totoo."
"I know and I'm planning to take all the blame."
"W-what?"
"Aamin ako. I was the one who pushed him an——"
"Pero hindi ikaw ang gumawa!! Why are you doing this Aeron?? You're innocent!" Hinampas ko ang dibdib niya pero hinila niya agad ako papalapit sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit na hindi ko rin inaasahan na gagawin niya. "I hate you so much!"
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...