Misty's POV
We were asked na sumama sa police station para sa ilang katanungan. Hindi ko na alam kung paano ko ba pipilitin si Kiervy na umalis sa lugar na 'to knowing kung paano siya naapektuhan ng involvement ni Sir Lawson dito.
Alam ko naman kasi na hindi pa rin matanggap ni Kiervy na may kinalaman ang sarili niyang ama sa bagay na yun.
Hindi niya alam.
Sino nga ba naman ang mag-aakala?
Madalas naman kasi sa mga ganitong sitwasyon, ibang tao talaga ang inaasahan natin na makakagawa sa atin ng ganong klaseng bagay. But now, knowing na nagawa ni sir Lawson 'to sa sarili niyang anak, hindi ko na alam kung ano pa ba ang imposible na posible pang mangyari.
Ibinalik na si Katelyn sa psychiatric hospital and kailangan daw ng further test. Of course, may evidence na siya nga ang tumulak kay Kiervy but hindi ganon kabigat ang parusa kay Katelyn since she's suffering from something.
Aeron on the other hand ay kailangan rin maparusahan for giving a wrong information. Hindi ko na masiyadong narinig ang parusa niya but mapapalabas na siya ng kulungan ngayong araw na ito kasi wala naman siyang kasalanan.
"Can we just..... go home?" Buntong-hininga na tanong ni Kiervy sa isang detective. "Ano pa bang kailangan na gawin?"
"They need to pay for their wrongdoings, of course." Sabay-sabay kaming lumingon sa isang babae na medyo may edad na at nakasuot pa ng shades bago inabot ang bag niya sa isang katulong na nasa likuran niya.
Okay.... sino 'to?
"Where is that asshole huh?" Ngumisi pa siya at umiling bago lumapit kay Kiervy. "Kung ikaw kaya mong mapatawad ang tatay mo dahil sa ginawa niya sayo, pwes, iba ako. Hanggang mamatay ako, isusumpa ko siya."
"Mom...."
What the hell...
Mama niya 'to???
"What?? You messaged me last night na kailangan mo ako. Akala ko naman ay nami-miss mo ako but it turned out that you are planning to unsolved your case na hindi ko mabuksan dati dahil nga matalino 'yang tatay mo. I love the courage, anak. Pero sana ay sinabihan mo ako na sinusubukan mo ulit alamin ang nangyari sayo edi sana nakatulong ako."
"Okay naman na."
"Yeah. Okay na. When in fact, dapat ay hindi sila okay." Talagang itinuro niya pa ang loob ng kulungan. "Nobody deserves that kind of situation anak. Whatever reason your father has..... wala na akong pakialam. Hindi ko siya papalabasin ng buhay diyan sa kulungan."
Alam naman siguro ng mother ni Kiervy na may mga pulis kaming kasama dito, hindi ba?
Hindi ako sanay sa wordings niya na ganiyan. Wala sa itsura niya na capable siyang magsalita ng ganito dahil ang sosyal sosyal masiyado ng suot niya.
"Can we just..... drop this, mom? I'm tired."
"Go rest. Ako na ang bahala dito." Parang umalis sa dibdib ko ang puso ko nang tumingin siya sa akin. Magkaparehong-magkapareho sila ng mata ni Kiervy. "Accompany my son. If pwede, dumiretso nalang muna kayo sa bahay ninyo. I'll go there as soon as I finish here."
"O-okay po."
Kilala niya ako?
Malamang Misty. Ni hindi mo na nga kailangan sabihin ang pangalan mo dahil kahit ata ang address mo ay alam niya.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
AléatoireMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...