Chapter 36

72 1 0
                                    

Misty's POV


Ilang araw ang lumipas at mas lalo lang akong naguluhan sa paligid ko. Paanong hindi? Sa tuwing umuuwi lang naman ako sa bahay ay naaabutan ko si Kiervy. Nauuna pa siya sa akin kagaya nalang ngayon.


"Wala ka bang bahay?" Kunot-noong tanong ko. Siya pa talaga ang sumalubong sa akin na parang kaniya talaga 'to.


Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit pinapayagan siya ni Mama na pumunta ng pumunta dito. Pero alam ko naman na walang sinasabi si Mama. Dahil kung meron, malamang sa malamang hindi na pupunta 'tong si Kiervy dito sa bahay.


"Bakit ngayon ka lang umuwi? 6pm na." Reklamo niya kaya napunta na sa kaniya ang atensiyon ko na prente pang kumakain ng mansanas habang pinapanood akong magtanggal ng suot kong sapatos.


"Ang busy kasi ng Adelaide dahil 10 days nalang ay mangyayari na yung event which is nakakapagtaka," pinaningkitan ko pa siya ng mata at dahan-dahan na naglakad sa kaniya papalapit. "Bakit parang hindi ka naman busy eh ikaw ang President ng Winnifred? Si Haines ay halos hindi na umuuwi ng bahay nila samantalang ikaw chill lang dito."


Totoo naman kasi talaga ang sinasabi ko. Nakakaawa na nga minsan si Haines dahil wala talaga siyang tulog. Kapag umuwi kasi siya, madalas ay gumagawa siya ng letters or task na related talaga sa upcoming event.


Kung hindi lang talaga sobrang engrande nun, sasabihan ko si Haines na dahan-dahan eh kaso kahit ako natataranta dahil ilang araw nalang ay gaganapin na ang malaking event ng Adelaide at Winnifred.


"Busy din ako. Hindi lang talaga halata." Reklamo niya kaya nginiwian ko nalang siya at naglakad na sa kusina para uminom ng tubig.


Nang makalabas sa kusina ay nagulat pa ako nang makitang kakarating lang ni Mama at ni Kai at may dala dala pa silang San Mig.


"Iinom kayo?" Nagtataka kong tanong sa kanila.


"Tayong tatlo nila Kiervy," nakangiti na sabi ni Mama.


"At ako."


"Hoy! 17 ka palang!" Saway ko agad kay Kai nang sabihin niya yun. "Anong iinom?"


"Bawal ba? 17 naman ay pwede ng uminom as long na naha-handle ko ang sarili ko." Natural na sabi niya at pumunta na sa kusina para ilagay sa ref ang mga alak.


"Hindi ka pwede." Pigil ko agad kay Benj nang akma siyang magsasalita. "15 ka palang."


"Ano naman?"


"Anong ano naman?" Taas kilay na tanong ko. "Tsaka na kapag 17 ka na rin."


"Luh? Mama oh." Nagrereklamo na sumbong niya kay Mama na bumuntong hininga.


"Anak, tama ang ate mo. Bawal ka pa uminom." Nginisian ko nalang siya dahil sa sinabi ni Mama. Si Kiervy naman ay nanonood lang sa amin na madalas naman niyang ginagawa sa tagal niyang pumupunta dito sa bahay.


9pm kami nagsimulang uminom dahil sabado naman ngayon at linggo bukas. Nagtataka siguro kayo kung bakit nasa Adelaide ako ng saturday? Eh kasi nga nag-eedit kami ng mga certificate tapos papapirmahan pa. Ang dami ding ginagawa ng photography club. Ewan ko ba. Mabuti nalang at may isang araw kaming pahinga kaya nakakahinga kami ng konti.


11pm na nang mapansin kong lasing na si Mama. Hindi naman ako sumasabay sa kanila kaya hindi pa ako lasing kagaya ni Kiervy. Si Kiervy ay mataas ang alcohol tolerance or nandadaya kaya hindi siya lasing pero hindi ko na rin pinansin.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon