Chapter 25

81 1 0
                                    

Misty's POV


Months have passed. 5 months. At 3rd year na ako!! Waaaahhh!!


Nung nakaraang buwan lang nagsimula ang panibagong school year at malapit na naman ang midterm jusko. Sa ganito nalang umiikot ang buhay ko. Pfft. Pero at least, kapag natapos ko na ang midterm, finals na ang next tapos second sem tapos wahhhhh 4th year na ako!!! May graduate ng anak si Mama!!!!


At sa limang buwan na lumipas, tila bumalik na talaga ang lahat sa normal. Kahit minsan nababanggit pa ng mga kapatid ko ang pangalan ni Kiervy ay hinahayaan ko nalang dahil alam ko naman na kung nami-miss ko si Kiervy, nami-miss din nila 'to.


At hindi ko na itatago pa, dahil yung totoo, siya pa rin talaga. Siya yung version ko na kung hindi lang din siya, 'wag nalang. Ayoko nalang.


Ang totoo niyan, hindi na ako umiiwas sa mga kagaya niya ngayon. Madalas na akong kumakausap ng mga multong kagaya niya at so far, wala pa akong nakakausap na nanghihingi ng tulong. Madalas ay gusto lang ng may kausap talaga kaya ibinibigay ko yun. Nakikipag-usap ako sa kanila.


At ang nakakatawa? Dalawang beses na akong inapoy ng lagnat dahil sa ginagawa ko kaya nagbabalak na naman si Mama na pagbawalan ako. Pfft. Hindi ko naman kasi alam na mali na pala ang nakakausap ko. Malay ko ba.


Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kila Mama na papasok na ako sa school. May dala-dala akong malaking camera dahil ipinatago lang naman ni Haines sa akin 'to dahil wala daw siyang tiwala sa room namin. Jusq.


Hindi niya naman ako sinusundo kaya dapat lang na mag-reklamo ako sa bigat nito.


Sumakay na ako ng jeep at nagbayad ng dalawa para mailagay ko sa upuan ang camera. Syempre kailangan kong protektahan 'to kasi kapag nasira, wala naman akong pang-bayad. Hay nako talaga Haines! Last na 'to sinasabi ko sayo!!


Punuan pa naman ang jeep! Wahhh!!


[Hello?]


[Hoy bakla ka nasan ka na? Ilang minuto nalang at may klase na. Baka nakakalimutan mo may second quiz tayo sa first subject??] pagbubunganga ni Elia sa akin na ikinabuntong hininga ko.


[Ito na pababa na ng jeep. Ibababa ko na 'to.] hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at pinatay na ang linya bago bumaba ng jeep.


Muntik pa akong masagasaan ng isang sasakyan na papasok mabuti nalang at naka-atras ako kaya pinanood ko nalang yun na pumasok sa loob ng Adelaide.


Ipinakita ko lang kay manong guard ang ID ko bago tumakbo papunta sa room namin. Napabuntong hininga pa ako dahil wala na namang tao. Ang lonely ko naman. Mamaya nalang ako mag-relapse hmp!


Hinihingal akong nakarating sa classroom namin at halos murahin ko si Haines na hindi ko naman nakita sa room namin dahil wala siya dito.


"Akin na muna yan." Nakangiwing sabi ni Cannon kaya ngumiti ako sa kaniya at padabog na umupo sa upuan ko. Inabutan naman ako ni Nica 'the savior' ng tubig.


"Nakakapagod!! Hindi pa nagsisimula ang klase, stress na ako!" Reklamo ko sa kanila na natawa naman agad. "Nasan na ba si Haines nang maaway at sa akin pa niya ibinigay ang napakalaking camera na yan kung may sasakyan naman siya??"


"Busy si President ng Student Council." Yes tama kayo ng narinig. Haines is now the President of the Student Council, meaning, buong Adelaide University ay hawak niya kaya ang President ng Photography Club, walang iba kundi ako. Wala na akong nagawa nang piliin ako ni Haines kaya tinanggap ko na rin.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon