Misty's POV
Bumagsak agad ako sa sahig at umubo nang umubo nang bitawan ako ni Carla dahil sa pagdating nila Haines at ng mga barangay tanod.
Inalalayan agad ako nila Nica sa pagtayo kaya mas lalo lang naging malinaw sa akin ang lahat. Hawak-hawak na ng mga tanod sila Voltaire, ganon na rin sila Carla.
"Tangina mo!" Sigaw ni Benj at agad na sinuntok si Voltaire sa mukha na inawat naman ng mga tanod na nandito.
Nandito na rin yung guard ng 7/11 at nakikitulong sa pag-awat kay Benj na hindi talaga tumigil. Si Kai ay agad na binitawan ang payong nang makita ang pangyayari dahil kakarating niya lang.
"K-kai, si Benj." emosyonal na sabi ko kaya napamaang agad siya nang makita ako at napatingin kay Benj na nagwawala pa rin ngayon.
Akala ko ay aawatin niya si Benj pero nagulat kaming lahat nang suntukin niya rin si Voltaire.
"Oh my god, Kai!" Sigaw ni Elia at inawat agad si Kai na pinigilan na rin ng tanod kaso si Benj naman ang nakawala kaya siya ang sumuntok ngayon kay Voltaire na natumba na nga sa sahig kaso pinatungan agad siya ni Benj at sunod-sunod na sinuntok.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari....
Ang gulo...
"Tangina mo!! Gago ka!! Tangina mo!!! Hindi ka pa makukulong pero tangina mo ipapakulong kitang hayop ka!!!" Sigaw ni Benj kaya binuhat na siya ng mga tanod.
Isinakay agad sa mini-tricycle sila Carla at Voltaire at sinabihan kami na sumunod para magbigay ng information. Lahat kami ay basa na ngayon dahil sa ulan pero sumunod pa rin naman kami.
"Benj, Kai," tawag ko sa mga kapatid ko.
Si Kai ay tiningnan agad ang leeg ko at napabuntong hininga nang makitang namumula yun samantalang si Benj naman ay hindi lumapit sa akin at nanatiling tahimik.
Pagkadating namin sa barangay ay lumuhod agad sa harapan ko si Voltaire at ang mga kaibigan niya na mas lalo lang sinamaan ng tingin ni Benj at ni Kai.
"I'm begging you don't file a complaint. Hindi pwede malaman ng family ko 'to. Napaalis na ako sa University ko at kapag nalaman nila na ginawa ko 'to, my father would definitely kill me. So, please I'm begging you."
"Nagmamakaawa ka ngayon pagkatapos mong gawin 'to sa kapatid kong gago ka???" Galit na tanong ni Benj.
"I didn't do anything!! Kahit itanong mo pa sa kapatid mo! Aside from asking her na sumama sa akin, wala na akong ginawa! Ni hindi man lang namin siya nahawakan!!!" Nagpa-panic na paliwanag ni Voltaire. "Sila Carla ang nanakit sa kaniya!! Wala kaming kinalaman doon!! They need to be punished!!"
"What???! Are you kidding me Voltaire????! We've planned this together!!!"
"Ang sabi mo ay tatakutin mo lang si Ate Misty!! Akala namin ay hindi mo siya sasaktan!!!" Sigaw ni Voltaire. "Ate Misty, I'm so sorry. Hindi na namin gagawin ulit! Nagmamakaawa ako sa inyo, 'wag niyo na ipatawag ang mga magulang ko! Parang awa niyo na!"
Napabuntong hininga ako dahil nagmamakaawa talaga siya.
"Ano po bang mangyayari kung itutuloy ko 'to?" Tanong ko sa barangay tanod na nasa harapan ko.
"Kung hindi niyo ise-settle ang issue dito, ipapatawag talaga ang mga guardian ng mga batang ito at posibleng maikyat sa korte dahil nakasakit sila ng tao." Kita ko ang takot sa mga mata nilang lahat pati na rin kila Carla at sa mga kaibigan niya kaya naman lumuhod na rin ang mga kaibigan ni Carla sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...