Chapter 31

76 3 1
                                    

Misty's POV


Kinabukasan ay 8:30am na ako pumasok dahil hindi ko naman na kailangan maging maaga. Na-send ko na rin ang mga pictures na nakuha ko sa flash drive namin since meron kaming folders per dates at syempre kailangan namin i-organize ang mga photos.


"Bakit stress ang beshy ko na yan?" Nakangising tanong ni Elia at sumabay sa akin sa paglalakad. Himala at naabutan ko siya ngayon. Masiyado kasi silang maaga pumapasok ni Nica at hindi ako maka-catch up minsan.


"Hindi ako stress. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos."


"Bakit?"


"Nag-transfer ako ng photos." Buntong-hininga na sabi ko at tumigil sa paglalakad kaya napunta sa akin ang atensiyon niya. "Mukha na ba akong panda? Zombie? May malaki na bang bilog ang mata ko??"


"Hindi ka nga mukhang stress eh."


"Eh sabi mo kanina??"


"Ang tamlay mo kasi maglakad. Pero sa physical appearance naman ay walang epekto. Pansin ko lang talaga dahil masiyadong magaling ako makiramdam. Kung ikaw, nakakarinig ng boses ako naman ay magaling makiramdam." Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Ang dami niyang sinabi eh papunta din naman pala sa isang point ang sinabi niya.


Ang totoo niyan, hindi rin ako nakatulog agad dahil sa kakulitan ni Kiervy. Sino ba ang magsasabi sa kaniya na siya ang tinutukoy ko? Sobrang dami niya kasi talagang sinend na question sa akin. Hindi ko na rin alam kung bakit ganon siya ka-interesado doon sa sinasabi ko sa kaniyang nagugustuhan ko.


"Haines! Hi!" Sigaw ni Elia sa harapan namin kaya napatingin ako kay Haines na———kasama si Kiervy, Katelyn at si Aeron.


Oh my god. Bakit siya tinawag ni Elia??


"Nananadya ka 'no?" Mahina kong sabi na ikinangiti nalang ni Elia at nilapitan na si Haines na naglalakad na rin naman papasalubong sa amin.


"How's your sleep, Misty?" Bungad ni Haines sa akin kaya alam kong napansin niya rin ang vibes ko. Mukha ba talaga akong matamlay ngayon??


Kasalanan kasi 'to nung isa diyan.


"Okay lang. Busy?" Tanong ko naman na ikinatango niya at bahagya pa akong nginitian.


"Pupunta na ba kay——"


"Ako? Hindi mo ako tatanungin?"


Napatigil ako sa pagsasalita.


Actually, lahat kami ay nanahimik. Kahit ang paghinga ay hindi ko narinig.


Ramdam ko rin ang titig ni Haines sa aming dalawa ni Kiervy.


Anong trip ni Kiervy??? Wahhhh!


Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya na nakatitig sa akin ngayon. KINAKABAHAN AKO EH WALA NAMAN AKONG GINAGAWANG MASAMA HUHU.


"A-ako ba?" Nag-aalangan na tanong ko dahil baka hindi naman ako ang kausap kaso imposible dahil sa akin siya nakatingin. Bahala na.


Pare-pareho kaming mabaliw dito.


"Hindi ba obvious?" Buntong-hininga sinabi. "Kumain ka na?"


Hala si Kiervy. Bakit niya ako tinatanong ng mga ganitong bagay sa harapan nilang lahat???


"A-ahh oo." Paano umalis sa sitwasyon na 'to? "Uhm, mauna na kami." Sabi ko agad at hinila na si Elia na nakikipagsenyasan kay Haines kung ano ang nangyayari paalis.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon