Misty's POV
Naguguluhan akong sinundan siya ng tingin pero dumiretso lang siya sa father niya na bahagya pang bumulong sa kaniya na agad niya namang tinanguan.
Nanlumo ako.
Yun naman ang inaasahan kong gagawin niya pero nanlumo ako ng sobra. Nasaktan ako sa pag-iwas niya. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Parang hindi niya ako kilala.
Pero syempre hindi ako pwedeng magpa-apekto dahil mahalaga ang event ngayong araw na ito. Gustuhin ko mang umuwi dahil sa bigat na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Nakakahiya. Ako pa naman ang head ng photography club.
Nagsimula na ang mismong event at nag-check lang naman ako ng mga members ko buong araw. Aside sa mga photos na kailangan namin i-compile at ayusin since nanghihingi din yung event organizer ng photos para daw mai-flash sa huling part, wala na kaming ibang task. Like everyday, bago matapos ang event ay ipapakita ang mga pictures na nakuhaan nung araw na yun kaya medyo exciting kasi baka makita ng mga nandito ang mga mukha nila.
Sa mga booth na ako dumiretso nang makakuha ng mineral water dahil iniinit ako. Umalis muna ako doon sa gym dahil may ganap din doon. Literal na bawat building ata ngayon sa Adelaide ay may ganap, may booths, pageant, even bilihan ng mga shirts and even hoodies, meron ding mga laro like bastketball and syempre players ng Adelaide and Winnifred ang naglalaban. Lahat ng yan ay dapat may naka-assign na photography member kasi kailangan namin i-document.
Napunta agad ang atensiyon ko kay Kiervy nang pumunta din siya dito sa field since nandito ang mga booth. Kita ko ang pagsunod ng tingin ng halos mga kababaihan na nandito sa kaniya na hawak-hawak ang ipad niya at nakakunot ang noo. Suot niya rin ang glasses niya ngayon kaya naman ang attractive niya talaga tingnan.
"Ang pogi talaga ni Lawson."
"Actually, siya talaga ang pinuntahan ko dito. Ang tagal niya kasing nawala."
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Syempre nagpanggap ako na nakuha ng picture pero ang totoo ay kumukuha na talaga ako ng chismis.
"I saw him kasama ng isang investigator last time. Ano kaya ang ipapa-investigate niya?"
Doon na tuluyang nakuha ang atensiyon ko. Tama nga si Haines. Kiervy is investigating. Hindi ko na alam kung ano yun dahil alam kong tungkol sa accident niya ang ginagawa niya.
"Baka naman he's helping someone lang or friend niya yun. Kiervy is a nice guy."
"Yeah. And kahit gaano pa tayo ka-simp dito, meron pa rin siyang fiancee." Narinig ko ang tawanan nila bago sila naglakad paalis.
Yeah. May fiancee nga pala siya.
Baka yun din ang pumipigil sa mga babae dito para hindi kulitin si Kiervy kasi nga may fiancee siya. At ang malala pa diyan, yung fiancee niya ang may-ari ng paaralan na 'to. Anong laban ng kahit sino doon?
Bigla akong nanliit.
Wala naman kasi akong ganon.
Napailing nalang ako at bumalik na sa pagkuha ng picture kaso saktong tumama yun sa pwesto ni Kiervy na seryosong may kausap sa phone niya. Hindi ko alam kung gaano katagal nakatutok ang camera ko doon pero napaiwas din ako agad nang mapunta sa akin ang atensiyon niya.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
De TodoMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...