Chapter 28

83 1 0
                                    

Misty's POV


Lumipas ang wednesday nang hindi pumunta si Kiervy sa Adelaide na laking pasasalamat ko. Nasundan pa yun ng thursday at friday kaya naman ganado akong mag-aral ng mag-aral at mag-asikaso ng club namin dahil walang nanggugulo sa akin.


*ting!


@kiervin:
Where are you?


Nakalimutan ko sabihin. Hindi niya ako tinatantanan. Wala nga siya dito pero sunod sunod naman ang message niya sa akin kaya minsan ay kailangan kong i-silent ang cellphone ko para lang hindi niya ako magulo. Sabado pa naman. Gusto kong mamahinga.


Napakunot ang noo ko nang pagbaba sa bahay ay wala si Benj at Kai kaya tumabi na ako sa upuan ni Amara. "Saan si Kai at Benj?"


"Naglalaro daw ng basketball sa court."


"Ayaw mo manood?" Curious na tanong ko na nakakuha naman ng atensiyon niya. "Wala akong ginagawa. Bili na rin tayo ng makakain doon hindi ba't madalas may mga nagtitinda doon?"


"Sige, tara." Nakangiti niyang sabi bago kinuha ang wallet niya. Nagpaalam naman ako kay Mama na kasamang nanonood ng minions si Louie at Olivia sa sala na susunod kami kila Benj na tinanguan niya lang naman at sinabing mag-ingat kami.


Konting lakad lang ang ginawa namin bago nagningning ang mga mata ko nang makita kung gaano karami ang bilihan dito sa court kaya imbes na hanapin sila Kai ay doon talaga ako lumapit sa mga pagkain at naningin. Iniwanan ko na si Amara na napatigil sa paglalakad nang mapatingin sa court.


Bahala siya diyan basta ako kakain ako.


"Manong, magkano po ito?" Nakangiting tanong ko habang nakaturo sa kwek-kwek na nasa harapan ko.

"20 pesos limang piraso iha."


"40 pesos po." Natutuwa talaga ako omg. May kwekkwek! May mangga pa akong natanaw! "Balikan ko nalang po." Sabi ko kay manong matapos magbayad bago lumapit sa bilihan ng shake. "Pabili po ng coo——"


"Cookies and cream." Napatigil ako at napapikit nang marinig ang boses ni Kiervy sa likuran ko kaya natawa agad ako.


"Nababaliw na ata ako. Imposibleng pumunta yu——"


"What do you mean?" Lumingon agad ako sa likuran ko at nagulat nang makita si Kiervy sa harapan ko at nakataas ang kilay.


Oh my god.


Nananaginip lang ata ako.


"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kaniya.


"Well, hinahanap ko bahay mo since you're not replying to any of my messages so I asked here." Ramdam ko ang lalim ng titig niya sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin. "And I find something amusing."


"A-ano?"


"Kilala ako ng mga kapatid mo," Tiningnan ko agad si Kai, Benj at Amara sa likuran ni Kiervy. Itinuro naman ni Kai si Benj na nakangiti sa akin pero halatang kinakabahan. So, siya ang sumablay. "Kuya Kiervy, hmm?"


"Baka namali lang. Parang hindi mo naman kilala ang mga kabataan ngayon." Naiilang na sabi ko at binayaran na ang cookies and cream na shake ko bago kinuha ang kwek-kwek. "Aalis na ako. Umuwi ka na."


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon