Misty's POV
"Halika dali. Kakausapin daw kami ng President ng Adelaide. Sumama ka sa 'kin." Nagmamadaling sabi ko kay Kiervy makalipas ang ilang araw.
Palagi kasi siyang nandito sa bahay. Madalas ay tinutulungan niya naman ako sa dami ng activities ko dahil bukas na ang midterm exam namin para sa sem na 'to.
Ang totoo niyan, nahihiya ako sa kaniya. Wala pa man lang akong naitutulong na kahit isang bagay sa kaniya. Kahit isa man lang.......kaya nung nabasa ko ang message ni Haines na pinapapunta daw kami sa office of the president, pumayag agad ako.
Hindi kasi namin siya nakita nung nakaraan na pumunta kami sa Winnifred. Ngayon nalang talaga.
"Teka, hindi ka ba magpapalit ng damit?" Naguguluhan na tanong niya sa akin. "Malakas ang hangin sa labas."
"Magsusuot nalang ako ng jacket. Halika na." Sabi ko at kumuha ng jacket sa cabinet.
Nagpaalam lang ako kay Mama na pupunta ako sa Adelaide dahil doon sa photography club na pinayagan niya naman agad kaya ngayon ay nakasakay na kami sa jeep papuntang Adelaide.
Isinuot ko ang headphone sa ulo ko habang naglalakad papasok sa loob ng Adelaide.
Tinanguan ko pa ang ibang student na pauwi palang kasi tapos na ang exam nila. Kami naman ay bukas ang exam at sa isang araw. Tapos sa monday, magkakaroon daw ng event dito sa Adelaide. Every tapos ng exam ay may pag-ganito sila. Iba nga lang ngayon dahil kasama na ang Winnifred sa amin.
"Kahit hindi mo na ako masabayan pag-uwi. Subukan mong umalam ng information ha. Sumama ka sa bahay niya or what."
"Samahan mo ako."
Napatigil ako doon. "Paano? Kita ako. Baka magtaka sila kung bakit ako nakasunod."
Mamaya sabihin nila may plano akong masama. Hindi niya naman ako kagaya na walang nakakita sa kaniya eh ako kitang-kita.
"Kahit sa labas ka lang or what. Dali na." Natawa agad ako sa sinabi niya. Napaka-baby naman pala nito sa ganitong mga bagay. Akala ko ba ay matapang siya? Pfft.
"Okay okay." Napatingin agad ako kay Haines na nakaupo sa labas ng pintuan ng President ng Adelaide kaya bumuntong hininga ako. "Game na." Natural na sabi ko kay Kiervy bago tinanggal ang headphone sa ulo ko at lumapit kay Haines.
"Haines,"
"Misty," nakangiti niya agad na sabi at bahagya pang tumayo.
"May problema ba?"
"Wala naman. Pinatawag lang daw tayo ni Sir Tomas. Tara na?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot kaya binuksan na niya ang pintuan at bumungad sa amin si Sir Tomas kausap ang professor in charge sa photography club.
"This is Haines, the President of the Photography Club, and this is Misty, the secretary." Napatingin agad ako kay Haines nang marinig yun.
Kailan pa ako naging secretary ng photography club?????
Ayan na naman si Haines. Nagbibigay na naman siya ng information nang wala akong alam.
Bahala na. Hindi nalang muna ako magtatanong.
Para kay Kiervy, mananahimik muna ako. Mas mahalaga siya kesa doon sa reklamo ko kay Haines.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
AcakMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...