Misty's POV
Agad kong niyakap si Louie at Olivia nang makalapit ako sa kanila. Nagtataka pa silang dalawa nang makita na umiiyak ako.
"Diba ang sabi namin, 'wag kayo sasama sa mga taong hindi niyo kilala? Olivia, matanda ka kay Louie! Bakit sumama kayo? Nag-alala kaming tatlo!"
"Sorry, Ate." Nakanguso na sabi ni Olivia. Naiiyak na rin. "Ang sabi niya po kasi ay isu-surprise ka namin kaya sumama kami ni Louie. Napansin kasi namin na malungkot ka kagabi nung hinatid ka ni Kuya Kiervy kaya balak ka sana namin..... pasayahin."
Mas lalo lang tumulo ang luha ko.
"Bumili nga kami ng cake para sayo oh." Inosente na sabi ni Louie at ipinakita ang slice ng cake na hawak niya. "Ito yung favorite flavor mo. Pinili ko yan."
Niyakap ko lang lalo silang dalawa habang pinapakalma ako ni Kai. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa mga kapatid ko. Hindi ko alam.
Dumiretso na kami sa bahay at kagaya ko, iyak na iyak din si Amara nang makita si Louie at Olivia.
"Sinabi na ni Mama diba! Hindi nga kayo sasama sa hindi niyo kilala!"
"Amara, okay na. Hindi naman sinasadya nila Olivia." Awat ni Kai dahil narinig na niya ang paliwanag ni Olivia kanina.
"Pero kahit na, Kuya! Halos mabaliw ako kakaisip ng posibleng nangyari diyan sa dalawa! Paano nga kung may nangyari?? Mababaliw ako!"
"Pwede ba, Amara??? Lahat tayo mababaliw kapag nangyari yun, okay??? Sa ngayon kumalma ka nga muna! Malay ba ni Olivia at Louie doon???!" Sigaw pabalik ni Benj. "Kumalma ka nga! Nagpa-panic lalo yung mga tao dahil sayo!"
"Ah masama na bang mag-alala ha, Benj?? Palibhasa kasi hindi ka naman mapapagalitan kapag may nangyaring masama diyan sa dalawa!! Kaya ang lakas ng loob mo na ga——"
"Sinasabi mo ba na wala akong pakialam sa mga nangyayari dito????!" Hindi makapaniwalang tanong ni Benj. Napapikit nalang ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Oo, bakit???! Meron ba?! Wa——"
"Pwede bang tumigil na kayo?" Awat ni Kai at tiningnan ng masama si Benj at Amara na sumisigaw. "Walang nadudulot yang pag-aaway niya aside sa umiiyak na si Louie at Olivia dahil hindi naman nila alam ang nangyayari at si Ate Misty na sinisisi ang sarili niya kung bakit nangyayari 'to. Act like your age, Amara at Benj. Hindi na kayo bata."
Napatingin agad sa akin si Amara bago siya umakyat sa kwarto at isarado ng malakas ang pintuan. Si Benj naman ay napailing nalang at umakyat na rin sa kwarto niya. Naiwanan tuloy kami nila Kai dito.
"Ate, sorry talaga......" Umiiyak na sabi ni Olivia at Louie kaya nilapitan ko agad sila.
"Huwag niyo na isipin yun. Huwag niyo nalang ulitin, hmm? Sasama lang kayo sa amin nila Kuya Kai o kay Mama, okay?" Paalala ko na sabay nilang tinanguan kaya ginulo ko ang buhok nila. "Anong gusto niyong lutuin ko?"
"Burger?" Tanong ni Louie na tinanguan ko agad at pumunta na sa kusina.
Si Kai ang naiwanan na kasama ni Louie at Olivia sa sala dahil siya lang naman ang kalmado sa mga oras na 'to.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
SonstigesMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...