Chapter 12

68 2 0
                                    

Misty's POV


"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


Kiervy is a student from Winnifred University?? Paano nangyari yun?


"Yes. Pero hindi ko pa confirmed. I'm still asking. Pamilyar lang daw ang pangalan na Kiervy sa Winnifred University. Aside from that, wala na akong information na nakuha."


"Kiervy," tawag ko kay Kiervy na alam kong nandito ngayon. "Naalala mo ba ang Winnifred University?"


"Hindi." Naguguluhan na sagot niya sa akin kaya mas lalo lang napakunot ang noo ko. "Wala akong maalala sa Winnifred. Baka naman ibang Kiervy yun?"


"Baka nga?"


"Anong sabi niya?" Curious na tanong ni Haines sa akin. Nakalimutan ko na nandito nga pala siya.


"Hindi niya raw maalala ang Winnifred University."


"What?"


"Baka naman ibang Kiervy yun?"


Marami ba ang may pangalan na Kiervy dito? Akala ko pa naman ay unique ang pangalan niya.


"Okay. I'm still investigating. Ia-update nalang kita." Nakangiti niyang sabi na ikinangiti ko na rin.


"Thank you so much, Haines."


"Basta ikaw." Natural na sabi niya bago ako sinenyasan na bumalik na sa room.


Pansin ko agad ang tingin sa amin ng mga kaklase ko pero hindi na namin pinansin pa ni Haines yun at nakinig nalang sa klase kasi nagsimula na rin naman agad.


Nagkaroon pa kami ng exam at mabuti nalang kasi yun yung pinagtataluhan namin ni Kiervy. Minamali niya ako ng minamali kaya confident ako na tama ang mga sagot na nailagay ko.


Aba kapag mali yun, siya ang sisisihin ko kasi ilang beses niya akong inaway. Hindi biro makipagtalo si Kiervy. Lahat ng sinasabi niya ay may sense kaya unti-unti na akong naniniwala na matalino siya.


"Wow! May highest tayo!" Anunyo ni Prof Ables sa amin na ikinangiti ng lahat. Gusto ng malaman kung sino yun. Sino pa ba? Si Haines lang naman ang palaging highest sa ganito. Si Haines na napagsasabay ang maramin——"Misty Zyia Mercado! Congratulations!" Para akong tanga na nag-angat ng tingin nang marinig ang pangalan ko. Kahit ang mga kaklase ko ay napatingin sa akin.


Hala baka iniisip nila nag-cheat ako??


Si Kiervy kasi eh.


"Thank you po." Sabi ko kay Prof matapos makuha ang papel ko sa kaniya at bumalik na sa upuan ko. Nag-dismiss na rin naman siya kaya naiwanan kami kasi lunch na.


"Ang yabang mo naman." Pang-aasar ni Nica sa akin na inismiran ko agad. "Akala ko ba hirap ka diyan eh bakit highest ka?"


"May secret tutor ka 'no?" Nanliliit na mata na tanong ni Elia na nakakuha ng atensiyon ko. "Meron 'no???? Umamin ka. Meron 'no??"


"Wala."


"Eh bakit gumaling ka sa pinaka-hirap kang subject?" Nagdududa talaga na tanong ni Elia kaya natawa na ako ng literal. Napaka-OA naman kasi niya kung makapagtanong. Parang nanalo ako sa loto na ewan.


"Ano lang yun....swerte." Nakangiwing sagot ko at palihim na napangiti.


Magaling kasi ang tutor ko hehe. Kahit madalas akong awayin nun ay hindi ko naman talaga maitatanggi na matalino si Kiervy. Baka si Kiervy yan??


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon