Nica's POV
"Bilisan mo na at baka gutom na si Misty. Magagalit yun." Nakangiwing sabi ko kay Elia habang bumibili kami dito sa cafeteria ng pagkain.
Nakakagutom mag-aral. Dapat talaga hindi nalang kami nag-aral eh. Payag naman si Misty kasi madali utuin yun, lalo na 'tong si Elia. Pakiramdam ko ay isang pitik nalang sa mga kaibigan ko, papayag na talaga silang mag-quit eh.
"Omg!! Nandito na sila!!"
"Halaaaa!! Ang gwapo!!!"
"Nakakainis!! Ang pogi!!"
Napatingin agad ako sa entrance at nakita si Haines na papasok kaya natawa na ako. Ang mga student talaga dito, patay na patay kay Haines.
Sabagay. Hindi ko rin naman sila masisisi.
Haines is responsible, handsome, mabait, matalino, masipag. Lahat na talaga ay nasa kaniya. Kaso totoo pala talagang kahit meron ka ng lahat ng yun, kapag hindi ka talaga gusto ng isang tao, hindi ka nila magugustuhan.
Perfect example kasi nun si Haines eh. Na-inlove sa kaibigan ko na manhid pa sa manhid. Kawawa naman tuloy si Haines.
Hay nako Misty.
Pero well, gusto ko rin naman si Kiervy. Kaso medyo agree ako sa desisyon na ginawa ni Misty. Tama naman siya. Ang laki nga naman ng pinagkaiba ng mundo nila ni Kiervy. Isa pa, ikakasal na si Kiervy. Ayokong maaway na naman ang kaibigan ko dahil lang sa lalaki.
Nakakaumay na ang ganong scenario.
"Tara na h——" napamaang ako nang mabitawan ni Elia ang hawak niyang chips habang nakatingin sa likuran ko.
"Hoy hala ka!" Naguguluhan na tanong ko. "Anong problema mo? May nakita ka bang multo??" Tanong ko sa kaniya na napatakip pa sa bibig niya.
Hala siya.
"Si ano....si ano...."
"Sino ba y——" lumingon na rin ako para malaman kung anong ikinagugulat ni Elia kaso napatigil din agad ako nang makita kung sino ang nasa likuran ni Haines.
POTAH!! SI KIERVY!!!
ANONG GINAGAWA NI KIERVY DITO????
Diretso lang siyang nakatingin sa harapan. Naghahanap siguro ng pagkain pero napunta rin ang atensiyon niya sa amin nang mapansin na dito dumiretso si Haines.
HALA KA!!
ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO!!
"I don't know what to do. Nagulat din ako." Bulong ni Haines pero hindi na kami nakapagsalita ni Elia dahil sa nangyayari. "Kiervy, this is Elia and this is Nica, member sila ng photography club na pupuntahan natin ngayon." Tumingin naman agad sa amin si Kiervy at gusto kong maiyak!!
Okay na okay na talaga siya!!!
"Hey.......you okay?" Tanong niya kay Elia kaya napatingin agad ako kay Elia na lumuluha ngayon! Baliw 'to! Ang usapan ay wala kaming sasabihin o gagawin!!
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...