Misty's POV
Kinabukasan, tuesday, 7am palang ay pumasok na ako dahil may kukunin akong mga papel doon para ibigay sa isang professor bago magsimula ang klase niya ng 8am.
Nakasuot pa ako ng jacket ko kasi nga katapusan na ng september at october na sa isang araw. Malamig na ang panahon lalo na kapag umaga. Grr.
Pero syempre excited na ako sa pasko! Meaning kasi nung holiday at wala ng pasok. Umay na umay na kasi talaga ako sa Adelaide. Hindi lang talaga halata kasi mabait ako.
"Thanks, Misty." Nakangiting sabi ni Prof na ikinangiti ko naman agad bago naglakad papunta sa cafeteria para bumili ng breakfast. Hindi kasi ako kumain sa bahay dahil nagmadali na akong umalis.
"Lamig. May galit ba sa 'kin si Lord?" Reklamo ko at mas lalo lang ipinasok ang kamay sa bulsa ng jacket na suot ko.
"Boo!!"
"Ay palaka ka!!" Sigaw ko kay Haines at hinampas agad ang balikat niya dahil bigla siyang lumitaw galing kung saan. "Ano ba!!"
Para siyang engkanto eh. Kung hindi lang talaga gwapo, yun na iisipin ko.
"Pfft. Takot na takot."
"Kahit sino naman matatakot!! Punyeta ka!"
"Ang aga mo dito, bakit?" Tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad papuntang cafeteria kaso hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Hoy."
"May inutos lang sa akin. Inaantok pa ako." Humikab talaga ako nag-unat pa dahil kulang ang tulog ko.
"Edi sana minessage mo nalang ako at ako nalang ang gagawa." Nakangiwing sabi niya at kinuha ang bag ko mula sa akin at siya na ang nagbuhat nun. "Hindi ka pa kumakain?"
"Hindi pa." Nakasimangot na sabi ko. "Gutom na nga ako. Baka mamataya ako sa gutom. Diba may namamatay sa sobrang gutom? Baka isa ako sa group na yun..."
"Pfft. Tara. Kain tayo sa cafe malapit dito sa Adelaide. Balik tayo before 9." Parang naging anghel si Haines sa paningin ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang dasalan.
Saint Haines, ikaw na.
"Tara na!! Dali!!" Tuwang-tuwa na sabi ko na ikinatawa niya naman agad at sumunod sa akin. Hindi na kami gumamit ng sasakyan dahil konting lakad lang naman ay nandoon na kami.
Pumasok na kami sa cafe at natuwa agad ako sa amoy. Syempre libre ni Haines 'to kaya dinamihan ko yung order ko pambawi man lang sa pagpapahirap niya sa akin kahapon.
"Ginugutom ka ba ni Tita?" Natatawang tanong ni Haines kaya natawa agad ako sa tanong niya. "Totoo 'no?"
"Hindi tangek. Gutom lang talaga ako kasi stress ako at kailangan ko kumain ng marami." Sabi ko at uminom na sa kape na nasa harapan ko.
"I actually have something to tell you," Seryosong sabi ni Haines na ikinakunot agad ng noo ko.
"Ano nam——"
"Misty??" Napatigil ako sa pagtatanong nang marinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin doon at nakita ko si Aeron kasama si Kiervy na diretsong nakatingin sa akin.
Shocks!! Bakit nandito na naman siya????
"A-aeron," nakangiti kong sabi at tumayo. Ganon din ang ginawa ni Haines. "Anong ginagawa niyo dito?" Hindi naman siguro sinabi ni Aeron, hindi ba? Wala naman siguro siyang sinabi tungkol sa akin, hindi ba? Waaaahhh!!
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...