Chapter 35

77 1 1
                                    

Misty's POV


Natahimik agad ako sa sinabi nung nurse dahil pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya dahil may emergency daw. Kaya ang ending, naiwanan ako dito sa hallway kasama si Kiervy.


"Binibisita mo ako? Akala ko ba ay hindi mo ako kilala?" Seryoso niyang tanong kaya napaiwas agad ako ng tingin.


Ano ba ang kailangan kong i-reason sa kaniya? Kailanga——"Minsan ko na siyang dinala dito nung binisita kita." Sabay kaming napalingon ni Kiervy kay Aeron na nandito ngayon.


Anong ginagawa niya dito?


Hindi ko siya nakita kanina kaya nagtaka agad ako kaso nandito siya ngayon.


"Remember? Madalas kang magka-emergency nun kaya kapag nagkikita kami ni Misty, kailangan ko pumunta sayo. One time isinama ko siya. Nakalimutan ko pa nga ipakilala si Misty sayo kasi kinailangan din namin umuwi." Bahagya niya pa akong tiningnan at nginitian.


Mabuti nalang at dumating siya dahil hindi ko talaga alam ang ire-reason sa kaniya. Baka magduda si Kiervy. Matalino pa naman siya.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kiervy kay Aeron.


"May pinuntahan lang. Kayo? Anong ginagawa niyo dito?"



"Ang sabi mo ay importante. Nandito ka lang naman pala sa hospital." napabuntong hininga si Kiervy at bahagya pa akong tiningnan. "Nasugatan ako kaya kami pumunta dito."


"Bakit? Anong nangyari?"


"Itanong mo sa kaniya. Magbabayad lang ako ng bill." natural na sabi ni Kiervy at naglakad na paalis kaya naman naiwanan kami ni Aeron dito.


Hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya ako sa hindi ko rin malaman na dahilan.


"Hanggang kailan mo itatago kay Kiervy?" Tanong ni Aeron kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ko. Nakatingin siya ng diretso sa akin. Malamang sa malamang ay gusto na niyang sabihin sa kaibigan niya kaso iniisip niya ako.


"Napagdesisyunan kong hindi nalang sabihin sa kaniya.'


"Hanggang kailan?"


Doon na napakunot ang noo ko. "Anong hanggang kailan? Anong ibig mong sabihin?"



"Lalabas at lalabas din ang totoo. Kahit itago pa natin yun." Makahulugan na sabi niya at bumuntong hininga. "Hihintayin ko kung kailan ka magiging handa na sabihin kay Kiervy. Kahit man lang sa ating dalawa, ikaw nalang ang maging handa...... kahit 'wag na ako."


"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan na talaga ako sa kaniya. Parang lahat ng sinasabi niya ay may meaning.


Hindi naman ganito 'tong si Aeron, madalas ay maloko siya kaya naninibago talaga ako ngayon.


"Wala. Tara na at nakasimangot na si Kiervy doon." Natatawa niyang sabi at itinuro pa si Kiervy na nakasimangot ngang nakaupo. Halatang kami nalang ang hinihintay.


Bakit kasi hindi nalang siya lumapit? Pfft. Minsan talaga hindi ko na rin maintindihan kung ano ang trip ni Kiervy.


Naglakad na kami palapit kay Kiervy na tumayo rin naman kaso nanatiling nakasimangot. Pfft. Ano na naman kaya ang problema ng isang 'to? Hindi ko kinakaya ang pagiging moody ni Kiervy talaga.


"Balik na daw tayo sa Adelaide." Sabi ko sa kaniya kaya tinaasan niya agad ng tingin si Aeron na nakangiti sa kaniya.


"Kasama ka?"


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon