Chapter 25 - The Diary
Napatitig lamang si Ronron sa hawak ng diary.
Unti unti ng gumagapang ang takot sa kanyang katawan.
Takot na mabilis sumakop sa kanyang pagkatao.
Pero bigla ding nagbago ang kanyang isip sa pag aanalisa sa sariling nararamdaman.
Hindi ito basta takot lamang, lampas pa.
Nanginginig ang kanyang mga kamay at nagtayuan na rin ang kanyang mga balahibo sa katawan.
Parang bigla ay nag iba ang paligid.
Dahan dahan syang pumihit.
Di na nag abala pang i-appreciate ang malamyos at tahimik na awit ng karagatan.
Kung kanina ay kaaya aya ang lugar, tila sa isang iglap ay nagbago ang pananaw ng binata.
..
Napatingin sya sa direksyon ng kubo.
Huminga ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.
Humakbang ng isa at mabilis na pinakiramdaman kung may pipigil ba sa kanyang mga braso.
Ngunit wala.
Muli syang humakbang ng isa pa.
Na nasundan pa ng isa hanggang sa ang pa isa isang hakbang ay naging marahang paglakad.
..
Mabagal na naglakad si Ronron.
Pero ang mabagal nyang paglalakad ay kabaliktaran ng pagpintig ng kanyang puso.
Parang may tao sa kanyang katawan na patuloy na tinatambol ang kanyang dibdib.
Ngunit pinilit nyang magpakatatag.
Kaunting distansya na lamang at mararating na nya ang kubo.
Pipilitin na lamang nya ang sariling matulog at palipasin na ang gabing iyon.
..
Ilang sandali ang lumipas, sa wakas ay narating din nya ang patutunguhan.
Di nya maiwasang mapaupo sa mahabang bangko na nasa tapat ng kubo dahil pakiramdam nya ay hapung hapo sya.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Ficção AdolescenteSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...