Chapter 39 - Light
( Yes, I know. After 2 years. Sorry na. Eto na nga eh. Weekly na to. :) )
Marahang dumapo sa kanyang pisngi ang malamyos na hangin.
Sinundan ng tingin ang dako paroon at saglit na napatda sa nakita.
Pigura ng isang babae ang nakatalikod at nakaupong paharap sa dagat; tinatangay ng hangin ang malambot nitong buhok.
. . .
Napangiti si Ronron sa di malamang dahilan. Bagama't hindi pa nya nasisilayan, tyak nyang ang nobya yaon.
Tila may sariling mga isip, dahan dahan syang hinatid ng mga paa patungo sa tabi nito at naupo.
"I missed you. " malamyos na tinig na tila galing sa isang magandang panaginip.
Nanikip ang dibdib ng binata.
Tumingin sa kasintahan at lumawak ang ngiti ng masilayan ang pinaka magandang tanawin.
"I missed you more. Kamusta ka na?" tanong nya.
Lumamlam ang mga mata nito at binaling ang tingin sa karagatan.
Kapwa sila nanahimik.
Dinama ang nakaw na mga nakaw na sandali na batid nilang babawiin din agad.
. . .
Maya maya, dahan dahang tumayo ang babae.
"Mag iingat ka. " bulong nito na di na halos marinig.
Napatayo din si Ronron at akmang magsasalita ng biglang umihip ang malakas na hangin.
Saglit, ang kalmadong karagatan ay tila naging halimaw na habang lumamon ng kahit sino.
Napatingin sya sa kasintahan.
Nanlaki ang mga mata ng makita ang unti unti nitong pagbabaong anyo.
Mula sa mala anghel na kariktan, dahan dahang nalagas ang mga laman nito hanggang sa maging isang buto.
Napa atras si Ronron.
Huli na ng maalala ang kinaroroonang bangin.
Sa mabagal na sandali, kitang kita nya ang papalayong pigura ng kasintahan habang dahan dahang bumabagsak patungong kamatayan.
. . .
Napabalikwas ng bangon ang binata.
Akmang tatayo ngunit bigo.
Pilit pinawalan ang sarili.
Ni hindi man lang natinag nag posas yumayakap sa kanyang mga kamay at paa.
Nuon lamang unti unting bumalik ang alaala kasabay ng mga kirot at pananakit ng katawan.
Takot at panlulumo.
Natural na kahit sinong magising sa ganitong eksena ang makaramdam ng takot. Kasaba nito'y panlulumo dahil batid nyang mahihirapan ang mga kaibigang hanapin sya.
Ngunit pilit nya itong pinaglabanan at ginala ang panginigin sa paligid.
Base sa nakikita, halatang abandunado ang kinalalagyan.
May maliit na mesa di kalayuan.
Rinig rin nya ang tawanan di kalayuan. Marahil ay kasama ito nina Earl.
![](https://img.wattpad.com/cover/12541014-288-k295613.jpg)
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...