Chapter 30 - Connecting Dots

4.6K 79 9
                                    

Chapter 30 - Connecting Dots



Unti unting bumalik ang diwa ni Ronron.

Dahan dahan nyang inangat ang ulo, ngunit nagulat sya sa paggapang ng kirot.

Napangiwi ang binata.

Mabilis na inisip kung nasan sya.

Madilim.

Gabi ?

Hindi.

May nakatabing sa kanyang mga mata para harangan ang kanyang paningin.

"B-bakit ako nakapiring? " tanong nya sa sarili.

Akmang aalisin ni Ronron ang piring ng mapagtanto nyang imposible nya itong magawa.

Nakatali ang kanyang mga kamay sa likod.

"S-shit, bakit ako nakatali ? " sigaw ng kanyang isip.

Nagsimula na syang mataranta.

Lalo na ng malamang hindi lang mga kamay ang nakatali kundi maging ang kanyang mga paa.

"A-ano bang nangyayari ? " muli nyang tanong sa sarili.

Pilit binalikan ni Ronron ang nakaraan.

Mula sa kubo, nagtungo sya sa burol.

Pero bakit sya nagtungo sa burol ?

"S-si Angel, parang si Angel yung nakita ko sa burol. G-gusto nyang dalhin ko duon yung diary. " wika nya sa sarili.

Diary.

Tama !

May hawak syang diary.

Pero nasan na yon ?

Muli syang nag isip.

Ang alam nya ay nakaupo sya burol at binabasa ang diary ni Angel.

..

Si Angel.

Sa pagkakaalala sa dalaga ay mabilis na bumalik ang kanyang memorya.

Umahon ang di maipaliwanag na emosyon sa katawan ni Ronron.

Pinaghalong awa at galit.

Awa para sa nobya, galit para sa walang pusong nilalang na gumawa ng krimen.

Nais nyang magwala.

Gusto nyang gulpihin at paitimin sa suntok ang kung sino mang gumahasa sa kanyang nobya.

Pero bago iyon, kailangan nya munang makawala at makatakas.

..

Nahulog sa malalim na pag iisip si Ronron.

Dinama ang paligid.

Tahimik.

Tila walang tao.

Sinubukan nyang kalagin ang tali.

Pero mukhang malabo nya itong maalis dahil habang ginagawa nya ay lalo lamang humihigpit ang pagkakabuhol.

Naisip nyang sumigaw.

Ngunit nangangamba syang baka kapag ginawa nya iyon ay maging katapusan na ng kanyang buhay.

At iyon ang iniiwasan nyang mangyari, ang mamatay ng walang kalaban laban.

..

Abala si Ronron sa pag iisip ng paraan kung paano malalampasan ang kinasusuungan ng makarinig ng mahihinang hakbang.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon