Chapter 37 - Now or Never
Napanganga si Ronron sa mga narinig mula kay Jam.
Di sya makapaniwala.
Naisip nya ang gabing paulit ulit na sinisigaw ng ina ni Angel na hindi daw sya nito anak.
Nagtatakang napatingin sya sa dalaga.
"K-kung hindi sya ang anak nina Tito Angelo, s-sino ? " tanong nya.
Nagkibit balikat si Jam.
"Hindi ko alam. After nyang pinagtapat sa amin ang katotohanan, unti unti na syang nagbago. " sagot nya.
Lalong napakunot ang noo ni Ronron.
"A-anong ibig mong sabihin? " sabi nya.
Akmang magsasalita si Jam ng pabalagbag na bumukas ang pinto.
Nagmamadaling pumasok si Earl at dumiretso sa tabi ng dalaga.
Binulungan nya ito.
Kita sa mukha ni Jam ang pagkabahala at napatingin kay Ronron.
Pagkuwa'y tumayo.
"How about Aaron ? Nakita na ba sya ? " tanong nya.
Umiling si Earl.
"Nope, he' still on the lose. Nakatimbre na naman sina sa lahat ng presinto sa palibot. Kung magsumbong man sya sa pulis, tatawagan agad tayo. " sagot nya.
. . . . .
Napalunok si Ronron ng pasimple.
Di nya akalain na ganito kaseryoso ang mga ito na linisin ang lahat ng mga nakasagabal.
Tila wala ng pakialam kahit mismong matalik na kaibigan pa ang sangkot.
. . . . .
Di nagtagal ay hinatak palabas ni Earl si Jam.
Muling sinara ng mga ito ang pinto at naiwan silang dalawa ni Irish sa loob.
Napatingin si Ronron sa dalagang nagsusumiksik sa sulok.
Hindi nya malaman kung makakaramdam ba ng galit o awa dito.
Pinili nya ang una.
"Masaya na kayo ? " tanong ni Ronron.
Bagama't masakit pa ang mga tama nya sa katawan, di nya ito ininda.
Pilit nyang pinihit ang kinauupuan paharap sa nakayupyop na dalaga.
"Di ba kayo natatakot sa karma ?" muli tanong nya.
Ngunit nanatiling tahimik na humihikbi si Irish.
Nagpatuloy lang si Ronron.
"Traydor. Siguro, ginusto mo rin yung nangyari para masolo mo si Aaron. Nasan na nga ba si Aaron, pati sya, kinatalo nyo. " maasim na sumbat nya.
Sukat doon, nag angat ng ulo ang dalaga.
Nagulat si Ronron ng makita ang nanlilisik nitong mga mata.
Dahan dahang tumayo si Irish at naglakad palapit sa kanya.
. . . . .
Napaatras ng pasimple si Ronron sa nakikitang galit sa mga mata ng dalaga.
Akmang magsasalita pa sana sya ng bigla na lamang bumalandra ang mukha nya pakanluran.
Ang matining na tunog ng sampal ni Irish ang nangibabaw sa loob ng silid.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...