Chapter 29 - Bitter Sweet Memories
17 years ago.
Papikit pikit ang tatlumpu't isang taong gulang na si Ernesto habang hawak ang manubela ng kanyang lumang sasakyan.
Galing pa sya ng Maynila at patungo sya sa bahay ng kanyang amo para makiusap na irekonsidera ang plano nitong pagtatanggal ng ibang empleyado.
Bagama't hindi nya pa nakikita ang listahan ng mga aalisin, nangangamba syang baka sa kasama sya dito
Pagkarinig pa lamang nya ng usap usapan ay agad na syang nagmadali.
Wala syang pakialam kung masabihan ng iba na sipsip.
Ang mahalaga ay masigurado nyang mananatili sya sa pwesto bilang marketing executive ng isang kumpanya.
Isa pa'y wala namang nakakaalam ng kanyang lakad.
..
Hinilot ni Ernesto ang sentido.
Alas syete ng gabi, dalawang oras na byahe mula Maynila.
Wala pa syang tanghalian dahil sa tinatapos nyang report kaya hindi na sya nagulat ng biglang kumalam ang kanyang sikmura.
Bahagya na rin syang nakakaramdam ng pagkahilo.
Pero tiniis nya ang lahat, ang mahalaga ay mabigyang linaw ang mga haka haka.
..
Ilang minuto ang lumipas, nakarinig ng malakas na lagabog si Ernesto.
Malakas ang naganap na tunog dahil nagawa nitong gisingin ang kanyang natutulog ng diwa.
Napatapak sya sa preno at pinatay ang makina ng sasakyan.
Kunot noong napatingin sa paligid.
Parang may dalawang malaking bagay ang malakas at buong pwersang nagbanggaan sa isa't isa.
Napatingin sya sa likuran.
Madilim ang paligid at walang sasakyang nakasunod sa kanya.
Bahagya syang nakaramdam ng kaba.
Bilang lamang sa mga daliri ng isang kamay ang dami ng beses na napunta sya sa bahay ng amo.
At sa bawat pagpunta nyang iyon ay lagi syang may kasamang company driver.
Lagi syang natutulog sa byahe kaya hindi kataka takang hindi masyadong pamilyar sa kanya ang daan.
..
Kinapa ni Ernesto ang sariling katatagan.
Nagtalo ang isip kung aalamin ba ang pinanggalingan ng malakas na tunog o babalewalain na lamang ito at itutuloy ang naunang plano.
Pero mukhang hindi na sya mabibigyan ng sapat na oras para mamili dahil sumagi sa gilid ng kanyang mga mata ang isang makapal na usok.
Tila nagmula ito sa isang nasusunog na bagay.
Tuluyan ng natalo ng kuryusidad si Ernesto.
Muli nyang binuhay ang makina ng kotse at marahang nagmaneho paliko sa isang kanto na sa tingin nya ay pinagmulan ng malakas na tunog.
Hindi ito ang natatandaan nyang daan.
Dapat kanina ay kumanan sya pero dahil nga sa narinig na ingay ay pinili nya ang kaliwa at kabila.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...