Chapter 13 - Aksidente
Gulat na napalingon si Angelo sa nagsalita.
Pagtingin nya ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Ronron sa pinto.
Maging ang binata ay napanganga ng maabutan ang ama ni Angel na tumatangis sa loob ng silid ng dalaga.
Parehas silang nabigla.
Ngunit walang nagsalita.
Walang nakapaglabas ng katiting na tinig man lang hanggang sa maramdaman ni Ronron ang pangangawit.
..
Tumikhim ang binata.
Tila galing sa bangungot si Angelo
Mabilis syang tumalikod para pahirin ang mga luha sa mukha pagkatapos ay pinilit ang sariling ngumiti bago hinarap ang binata.
"R-ronron, a-anong ginagawa mo dito ? A-alas tres pa lang ng madaling araw ah. " puna ng lalaki.
Napangiti ng kimi si Ronron at tuluyan ng pumasok sa loob ng silid.
Pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto.
Muli nyang naramdaman na parang may mabigat na bagay na nakapasan sa kanyang dibdib.
Huminga ng malalim si Ronron bago binalingan ang ama ni Angel.
"Naalimputangatan po ako hanggang sa di na ako makatulog. " sagot nya.
Tumango tango si Angelo.
"Ako naman, hindi pa natutulog. " natatawang sabi ng lalaki.
Kumunot ang noo ni Ronron.
"Bakit ho ? May insomnia ho ba kayo ? " tanong nya.
Umiling si Angelo.
"Wala naman. " matipid nyang sagot.
Natahimik sila pareho.
Hanggang sa di na napigilan ni Ronron ang sarili.
"H-huwag po kayong magagalit, p-pero bakit po kayo umiiyak ? " tanong nya.
Bumuntong hininga si Angelo bago ngumiti at marahang tumayo.
Naglakad sya patungo sa bintana.
"I c-cant stop thinking of my daughter. " pag amin nito.
Natigilan si Ronron.
Parehas sila ng lalaki.
Napatingin sya sa relos at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Alas tres na po pala. " sabi nya.
Tumango si Angelo.
"Pwede ka pang matulog iho, ipapagising na lang kita mamaya. " kanyang wika.
Ngunit umiling si Ronron at tuluyan ng napangiti.
"Actually Tito, namimiss ko po sya. " mahinang pag amin nya.
Napatingin si Angelo sa binata at nagulat sya ng makitang nangingilid na rin ang mga luha sa mga mata nito.
"N-naiintindihan kita iho. Alam kong nararamdaman mo. " sabi nya sabay lapit sa binata.
Inakbayan ni Angelo si Ronron na unti unti ng lumuha dahil sa hindi mapigilang emosyon.
Napakabigat ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon.
Pakiramdam nya ay isa syang basong punong puno na ng laman.
![](https://img.wattpad.com/cover/12541014-288-k295613.jpg)
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...