Chapter 40 - Doors

3K 74 33
                                    


Chatper 40 - Doors



Sa maliliit na hakbang, pasimpleng naglakad ang isang nilalang patungong hagdan. Maiilap ang mga mata't pilit na inaaninag ang daan.

Maingat na huwag makagawa ng anumang ingay.

Nang sa wakas naabot nya ang bukana, dahan dahan syang umakyat. Mga mata'y nakapako sa iisang direksyon.

Matapos lampasan ang mga silid, huminto sya sa isang nakasaradong kwarto.

Tumingin muna sa paligid bago bumuntong hininga, pagkuwa'y nilabas ang maliit at matulis na bagay.

Dahan dahan nya itong sinuksok sa gilid, maingat na hindi makagawa ng kaluskos.

Maya maya, pamilyar na tunog ng "klik" ang sa kanya'y pumasatenga.

Pinihit ang seradura para makumpirma.

Bumukas.

Dahan dahan, tinulak nya ito sapat para makalusot ang maliit na katawan.

Mula kadiliman, muli syang sinalubong ng isa pa.

. . .

Ganap na nakapasok ang nilalang.

Dinagan ang katawan sa pinto para dahan dahan itong magsara.

Ginala nya ang mga mata sa paligid.

Tumambad ang karangyaang dapat nya ring tinatamasa.

Unti unting nabuhay ang galit at hinanakit ngunit agad din nya itong sinawata.

. . .

Mabilis nyang winaksi ang alaala.

Hindi ito ang oras ng paniningil.

Muli nyang inikot ang paningin.

Pinilit pinamilyar ang mga mata sa kadiliman.

Hindi na nya kailangan pang sindihan ang ilaw.

Sapat na ang nakikisamang buwan para bigyang tanglaw tungo sa hinahanap.

. . .

Inuna nya ang tokador.

Wala.

Salaminan, likod at ilalim.

Ngunit bigo syang makita ang hinahanap.

Kulang na lang baliktarin nya ang mga nasa loob ng silid ngunit kailangan nyang pigilan ang sarili.

Dapat walang magbago sa kwartong ito.

Walang dapat makahalatang may nagtungo dito ng walang pahintulot.

. . .

Abala sa pagkatikot, nakaramdam ng pagnginig ang nilalang sa kanyang kanang bulsa.

Marahas syang napabuntong hininga at mabilis na hinugot ang maliit na aparato.

Numero lamang ang tumatawag ngunit kabisado nya ang huling apat kaya batid nyang ang tyuhin ito.

Pagsagot pa lamang ng tawag, agad na itong lumitanya ngunit nang napansin nitong tila wala itong kausap, napabuntong hininga na lamang.

"Nahanap mo na ba?" tanong nito

Naglakad ang nilalang patungo sa bintana at hinawi ang kurtina.

Ginala ang paligid sa marangyang paligid.

Muli, umahon ang inggit.

"Hindi pa. " matipid nyang sagot.

Nakailang mura muna ang nasa kabilang linya bago ito muling nagsalita.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon