Chapter 11 - Best Friend

6.3K 70 4
                                    

Chapter 11 - Best Friend

Dahan dahang bumaba si Ronron sa hagdan.

Ingat na ingat na huwag makagawa ng katiting na ingay.

Delikado ang kanyang ginagawa dahil kung sakaling mahuli sya ng kahit sino sa bahay na iyon, katakut takot na tanong ang aabutin nya.

Madilim ang paligid.

Hindi naman nagtaka ang binata dahil alas diyes na ng gabi.

..

Matapos ang maingat na paglalakad, narating ni Ronron ang main door.

Pero nanlumo sya ng mapansin nakalock ito.

Pipihit na sana sya pabalik sa hagdan ng may mapansing kakaiba.

Bukas ang ilaw sa kusina.

Kung hindi sya nagkakamali, may bakdor ang bahay.

..

Dahan dahang tinungo ng binata ang kusina.

Patingin tingin sa paligid dahil baka may taong makakita sa kanya.

Sumilip sya sa loob at napangiti ng kimi ng walang makitang tao.

Mukhang nasa loob na ng maid's quarters ang mga kasambahay dahil naririnig nya ang tunog ng bukas na radyo kung saan.

Tahimik syang humakbang papasok at nag hanap ng lalabasan.

Paglingon ng binata sa isang panig ng kusina ay muli na naman syang nanlumo.

"Shet sarado !. " bulong nya sa sarili.

Laglag ang balikat na muling bumalik si Ronron sa hagdan.

Hahakbang na sana sya paakyat ng may mapatinging muli sa salas.

Parang may nagsasabi sa kanyang mag ikot ikot pa.

..

Saglit na napaisip ang binata.

Di nya alam ang isasagot oras na may makahuli sa kanya.

Pero ayaw nyang bumalik sa silid at ipaalam kay Romeo na hindi nya nakausap ang babae sa kabilang bahay dahil hindi sya makalabas.

Siguradong pagtatawanan lamang sya ng kaibigan o baka magalit pa ito sa kanya at sabihing hindi man lang sya naghanap ng paraan.

Napahinga ng malalim ang binata.

Ayaw nyang biguin ang kaibigan kaya nilakasan nya ang loob at nag ikot ikot pa sa malawak na bahay.

Mula sa salas, lumiko si Ronron at nagtungo sa hardin.

Naglakad lakad sya at napanganga ng makakita ng swimming pool.

"M-may pool pala dito. " gulat na bulalas nya.

Ngunit walang tubig ang nasabing pool.

Ingat na umikot si Ronron sa gilid sa takot na mahulog.

Tinahak nya ang madilim na parte ng bakuran na iyon.

Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Nararamdaman na nya ang pananayo ng balahibo dahil parang may kung sinong nakatingin sa kanyang ginagawa.

..

Pagliko ni Ronron sa gilid ng bahay kung nasan ang pool ay nagliwanag ang kanyang mukha.

Kung hindi sya nagkakamali ay isang pinto ang nakikita nya di kalayuan.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon