Chapter 27 - Selos

4.6K 73 5
                                    

Chapter 27 - Selos



2 years ago.

Ang pagtunog ng alarm clock ang gumising kay Irish.

Gumulong sya patungo sa gilid ng kama para abutin ang relo.

Ng mamatay ito ay namayani ang katahimikan ng umaga.

Muling nirelax ni Irish ang sarili at hinayaan ang sariling matulog.

Ngunit wala pang sampung segundo ay nakarinig sya ng katok sa pinto.

"Senyorita Irish, gising na po. " boses ng katulong.

Napasimangot ang dalaga.

Inis na nagtalukbong sya ng kumot.

Pero makulit talaga ang katulong nilang iyon.

Hindi ito aalis hangga't hindi ito ng kakarinig ng sagot mula sa kanya.

Patuloy itong kakatok na may kasamang pagtawag.

Kaya nagpasya ang dalaga na sumagot.

"Oho. Gising na ho ako. " medyo pasigaw na sagot nya.

Kadalasan ay aalis na ito.

Pero nagulat si Irish ng muling magsalita ang katulong.

"Pinapatawag po kayo ng Mama nyo sa komedor. Sumabay daw po kayong mag almusal sa kanila ng Papa nyo. " sambit nya.

Natigilan si Irish at mabilis na nagmulat ng mga mata.

Tama ba ang kanyang narinig ?

Nandito na ang kanyang ama ?

Kelan pa ito ng nakauwi ?

..

Sunod sunod ang tanong sa isip ni Irish.

Pero alam nyang wala syang makukuhang sagot kung mananatili syang nakahilata sa kama.

Bumalikwas sya ng bangon at mabilis na tinakbo ang pinto.

Pagbukas nya ay wala syang nakitang tao sa labas.

"Manang ? " tawag nya.

Bumukas ang pinto ng katapat na silid at lumabas ang nasabing katulong.

Kwarto ito ng mga magulang.

"Senyorita ? " tanong nito.

"Si Mama ho ? " tanong din ng dalaga.

"Ah nasa pool po. Hinihintay na po nila kayo ng Papa nyo. " sagot ng katulong.

Napakunot noo si Irish.

Kung nasa poolside ang kanyang mga magulang, ibig sabihin ay walang kasamang iba ang katulong sa loob ng silid ng mga ito.

Himala.

Kilala nya ang ina.

Hindi ito basta basta nagpapapasok ng basta basta sa kwarto maliban sa kanya.

"A-ano hong ginagawa nyo dyan ? " tanong nya.

Ngumiti ang katulong.

"Kinukuha ko ho itong maruming damit ni Senyora. " sagot nito.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon