Chapter 2 - Cyber World

10K 91 4
                                    

Chapter 2 -     Cyber World




Gabi ng makarating sa bahay si Ronron.

Binuksan nya ang gate ng bakuran nila at pumasok sa loob.

Muli nya itong sinara at tinahak ang pathway patungo sa main door.

Saglit nyang sinulyapan ang garahe.

Napansin nya na wala pa ang sasakyan ng ama.

Kadalasan talaga ay ginagabi ito dala ng tambak na trabaho.

Workaholic kasi ang ama nya pero twing lunes hanggang sabado lang naman.

Sinisugurado ng mga magulang nya na wala silang lakad o trabaho pagdating linggo para sama sama sila.

Malakas ang paniniwala ng mga ito na dapat laging maglalaan ng isang araw na pahinga ang bawat pamilya

Gamitin ito upang makipag bonding at makipagkwentuhan sa mga anak.

..

Binuksan ni Ron ang pinto.

Nagulat sya ng bumungad sa kanya ang nakababatang kapatid na si Ran.

Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa kanya.

Nagtaka si Ron.

Masayahin ang kapatid nya, bibihira lamang ang pagkakataon na mainis ito.

Yun ay ang mga panahong wala syang magawa kundi ang asarin ang bata.

..

Mula sa kusina, lumabas ang ilaw ng tahanan na si Sylvia.

"Nakung bata ka, san ka ba nanggaling ? Kanina ka pa inaabangan ng kapatid mo. " sabi nito habang nagpupunas ng kamay.

Kumunot ang noo ni Ronron.

Lumapit sya sa ina at nagmano.

Pagkatapos ay humalik sa pisngi nito.

Simpleng kaugalian ng mga Pilipino na mahigpit na pinatutupad ng kanyang mga magulang sa loob ng tahahan.

"Dyan lang Ma, napatambay ng konti. Bakit po ? " tanong nya.

Nginuso ng ina ang bunsong anak.

Napatingin si Ron sa bunsong kapatid at nagulat sya ng irapan sya nito.

Nagkatinginan ang mag ina at bigla silang natawa.

Hinagis ni Ronron ang bag sa sofa at gigil na binuhat ang kapatid.

"Ano na naman yang pinapaandar mo ha ?" tanong nya sabay halik sa leeg ng bata.

Pero nagulat sya ng magalit ito.

"Ano ba !, wag mo nga ko kiss." asar na sabi ni Ran.

"Why ? Choosy ka pa ? " pabirong tanong ni Ronron.

Inis na nagpababa ang bata.

Nagtatakang pinagbigyan ni Ron ang kapatid at marahan nya itong binaba.

"Bakit ba ?" tanong nya.

Nilahad ni Ran ang palad.

"Cellphone ko. " sabi nito.

Napanganga si Ronron at biglang napabunghalit ng tawa.

"Ahaha, akala ko naman kung ano. Oh eto. " sabi nya.

Inis na kinuha ni Ran ang cellphone at pinagpipindot.

Naaaliw na pinagmasdan ng mag ina ang bata.

"Marunong ka ba nyan ? " tukso ni Ronron sa kapatid.

Umirap lang si Ran at masayang naupo sa sofa.

Napailing na lang ang binata.

Kinurot nya ang pisngi ng kapatid at kinuha na ang bag.

"Akyat lang ako Ma. " sabi nya sa ina.

Tumango si Sylvia.

"Wag kang matutulog ng hindi kumakain ah ? Nasasanay ka ng hindi sumasabay sa amin. " sermon nito.

Napakamot sa batok si Ronron.

"Syempre pagod from school. Kumakain naman po talaga ako kapag nagigising ako sa gabi. " palusot nya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Sylvia.

"Alam ko, nababawasan yung kanin eh. Pero hindi maganda ang matutulog ng gutom. " sabi nito.

Natawa si Ron.

"Eh di po ba sabi nyo masamang matulog ng busog ? Tapos ngayon masamang matulog ng gutom ? Ang gulo nyo Ma. " biro nya.

Umirap lang ang ina.

"Di ba pwedeng magpahinga ng konti at magpababa ng kinain after mong mag kumain ? Isip isip din pag may time ha ? " sabi nito sabay pasok muli sa kusina.

"BOOM !. " singit ni Ran.

Napanganga si Ronron.

Nagpapalit palit ang tingin nya sa ina at kapatid.

"Kampi kampi na dito ah. " reklamo nya.

Tumawa lang ang ina mula sa kusina.

Napailing na lang ang binata at dumiretso na sa kwarto para magpalit ng pambahay.

..

Pagpasok sa kwarto.

Agad nyang hinubad ang lahat ng mga damit.

Hinagis nya ito sa laundry basket at pagkatapos ay tinungo ang drawer para maghanap ng pambahay.

Tila dinaanan ng bago ang damitan nya.

Kumuha lamang sya ng pambahay at muli itong sinara.

Dali daling nagsuot ng damit si Ronron.

Matapos makapagpalit ng pambahay ay hinalungkat nya ang bag at nilabas ang cellphone.

Nilibot nya ang paningin sa buong kwarto.

"Oh my gulay, charger. Nasan ka na naman ? " asar na tanong nya.

Napatingin sya sa unan at napangisi ng makita ang dulo ng charger.

"Ang hilig mong sumiksik dyan sa unan ko. " para syang tanga na nakikipag usap sa insenteng aparato.

Matapos iayos ni Ronron ang cellphone, inatupag nya naman ang laptop.

Kating kati na syang mag open ng mga social networking sites.

Sinindi ni Ron ang laptop at pinagmasdan ang pamilyar na pag appear ng logo ng OS sa screen ng kanyang laptop.

Ilang saglit lang ay dali dali nyang kinonekta ang internet at muling naghintay.

Matapos ang lahat ng paghahanda, pinindot ni Ronron ang internet browser sa parteng ibaba ng screen.

Muli na naman syang nag hintay.

Maya maya ay bumungad ang facebook account nya.

..

"6 Friend Requests, 4 messages and 11 notifications. Syempre notifs muna. " sabi ni Ronron sa sarili.

Sinilip nya ang mga nofications nya at nag open ng new tab para magkaroon ng kanya kanyang windows ang bawat tab.

"Paskshet na buhay to !, gusto ko ng mamatay. " basa ni Ronron sa post na tinag pa sa kanya.

Napasimangot ang binata.

"Tangnang to, magpapakamatay na lang pinopost pa talaga. Hay nako. " naiiling na sabi nya at sinara na ang tab para sa post na yon.

Puro invitation lang sa mga applications at games ang ibang notifications ni Ronron.

Binalewala nya lang ang mga ito dahil wala syang kaide ideya kung ano ba ang mga larong iyon.

Sinubukan nya namang tingnan ang friend requests.

"Hmm, hala sige add lang ng add. " natatawang sabi nya sa sarili dahil puro confirm button lang ang pinindot nya para sa friend request.

Hindi na sya nag abalang tukuyin kung sino ba ang mga ito.

"Next, messages. Hmm.." sabi nya at sinilip na ang mga private messages.

Napasimangot si Ronron ng makita ang mga mensahe.

"Puta, mag memessage na lang tapos magpapalike pa ? Hanep ha, tapos ano ba itong isang to. Tae !, sinali pa ako sa conversation ng mga emo !. Eh puro nagsusuicide mga tao dito. Haaaayyy. " asar na sabi nya at dali daling nag leave sa conversation.

Ilang saglit din syang nag browse ng marinig nyang bumukas ang pinto ng kwarto.

Paglingon nya ay nakita nya ang nakababatang kapatid na abala sa pagdutdot ng laruan nitong cellphone.

"Kuya, kain na daw pows. " sabi ni Ran.

Napangiti si Ron.

"Sige sunod na me. " sabi nya.

Umiling si Ran pero nanatiling nakatutok pa rin ang mga mata sa cellphone.

"Hindi pwede, nandyan na si Papa. Palo ka. " banta nito.

Natawa lalo si Ronron at pinatay na ang laptop.

Lumapit sya sa kapatid at lumuhod para magpantay sila.

Pinagmasdan nya ang ginagawa nito.

"Anong ginagawa mo ?" tanong ni Ron.

"Snake. " maiksing sagot ni Ran.

Napangiti ang binata.

"Marunong ka ?" tanong nya.

"Opo. " bibong sagot ni Ran.

"Weee ? Patingin nga. " siningit ni Ron ang mukha at tinakpan ang line of vision ng kapatid.

Napahiyaw ang bata.

"Kuyaaaa ! , waaaa.. Dead na !. Mamaaaa !!. " sigaw nito.

Natatawang binuhat ni Ronron ang kapatid at bumaba ng hagdan.

Humihiyaw pa rin ang bata ng makarating sila sa kusina.

Napatingin sa kanilang magkapatid ang mga magulang.

"Ano na naman yan ? " tanong ni Narcisso.

Kumawala si Ran at nagpababa.

Tumakbo agad sya sa ama at pinakita ang ginawa ng kuya nya.

"Papa si kuya ! play ako tapos nadead ako. " sabi ng bata.

Ngising aso si Ronron.

"Di ka naman marunong eh. " pang aasar nya.

Dumiretso sya sa labago para maghugas ng mga kamay.

"Patingin nga si Papa, sige play ka nga. " sabi nito.

Sabik na naglaro si Ran at pinakita sa ama ang ginagawa.

"Wow, ang galing ng bunso ko. Paano ba yan ? Teach mo si Papa. " sabi ng ama.

"Look Papa, sabi ni Mama food daw nya yung dot. Tapos si baby snake, kakain sya ng food. Tapos kapag marami na syang nakain, lalaki sya at magiging mahaba !. " paliwanag ni Ran.

Aliw na napangiti ang ama.

"Ah ganun ba? Eh ikaw ?, di ba baby ka pa ? Eh paano ka lalaki ? " tanong nito.

Ngumiti si Ran.

"Eat ako. " sagot nya.

Tumango ang ama at nilahad ang palad.

"Good girl. Akina muna yang cellphone mo. Mamaya na play ulit after mag eat okay ? " sabi nya.

Tumango ang bata at inabot sa ama ang phone.

Nakangising nilahad ni Ronron ang palad sa ama.

"Pa peram nga po ako. " sabi nya.

Hinarang ni Ran ang kamay.

"Wag Papa !, kuha nya yan kanina eh. " sumbong ng bunso.

"Kinuha ni Kuya yung phone mo ? Bakit ? " tanong ng ama.

Sumimangot ang bata.

"Wag mo bigay Papa. " sabi nito.

Sumingit ang ina.

"Okay baby, paunahan kayo ni kuya. Kung sinong mauna, sya ang mag play ng phone. " sabi nito.

Dali daling pumwesto ang bata at nanghingi ng pagkain sa ina.

Napangiti na lang ang mag asawa pati na ang binata.

..

Matapos ang hapunan.

Muling bumalik si Ronron sa kwarto nya para tapusin na ang takdang aralin.

Saglit lang nyang tinapos ang assignment dahil sa tulong ni Google.

"Hmm. Makapag poker nga muna. " sabi nya sa sarili.

Habang hinihintay ang loading ng poker, pumasok si Ran sa kwarto.

"Kuya, ayaw na. " sumbong nito sabay pinakita ang cellphone.

Umakyat sa kama ang bata at tumabi sa kuya nya.

"Patingin nya. Lowbat na siguro. " sabi ni Ron.

"Lowbat ? " tanong ni Ran.

Tumango si Ronron sinubukang buksan ang cellphone.

Sumindi ito at napangiti ang bata, pero maya maya ay nalungkot si Ran ng muling mamatay ang phone.

"Sira na kuya ? " malungkot na tanong ng bata.

Umiling ang binata.

"Nope baby, low bat lang sya. Mag oopen yan kapag chinarge natin. Like yung ginagawa mo sa laptop ni kuya kapag namamatay remember ? " tanong nya.

Saglit na nag isip ang bata.

"Aaahhh, charge natin kuya dali !. " sabi nya.

Napangiti si Ron.

"Yun lang, wala akong charger eh. Bili na lang tayo bukas ng universal. Hingi ka ng money kay Papa dali. " utos nya.

Dali daling bumaba ang bata sa kama at tumakbo palabas ng kwarto.

Napangiti si Ronron, habang hinihintay ang pagbabalik ng kapatid, sinubukan nyang buksan ang cellphone.

Pero kataka takang hindi nya mabuksan ang casing nito.

"Langyang phone to, napaka jurassic. " sumusukong sabi nya.

Natatakot syang baka kapag pinwersa nya ang pagbukas ay masira lamang nag casing.

Baka magwala pa ang kapatid nya.

..

Ilang saglit lang ay bumalik na si Ran.

Kasunod nito ang ina.

"Ano ba itong hinihingi ng kapatid mo ? " tanong ni Sylvia.

Natawa si Ronron.

"Lowbat yung phone nya. Wala akong charger ng ganito. " sabi nya.

Natawa din si Sylvia.

"Ah ganun ba, sige baby bukas. Papabili tayo kay kuya ng charger. Sleep ka na ha ? " pang uuto ng ina.

Tumango ang bata at humikab.

"Opo mama. " sagot nito.

"Oh kiss na kay kuya. " utos ni Sylvia.

Lumapit si Ran sa kuya nya at ngumuso.

Nilapit din ni Ronron ang pisngi para maabot ng kapatid.

"Sleep ka na. Bukas play ka ulit ng snake. " sabi ni Ronron.

Di na sumagot ang bata, lumapit na ito sa ina at sabay silang lumabas ng kwarto.

..

Muling binalik ni Ronron ang atensyon sa lumang cellphone.

"Bakit ayaw mong mabuksan.? " tanong nya sa sarili.

Masyadong madikit ang casing at talagang hindi nya mabuksan kaya sumuko na lang sya at nilapag na sa side table ang gadget.

Nagfocus na lang sya sa paglalaro ng Poker.

Matapos ang ilang oras, tinigil na ni Ronron ang paglalaro dahil sa sunod sunod na talo.

Nagbrowse browse na lang sya facebook at instagram.

Maya maya ay tumunog ang cellphone nya.

Dali daling binasa ni Ronron ang text.

Hindi nakaregister ang number.

"Hello. " sabi ng mensahe.

Nacurious si Ronron.

"Hi, san mo nakuha number ko ? " reply nya.

Ilang saglit ang lumipas, mabilis na nagreply ang nagtext.

"Sa FB, nag pOst kA ng nhumber mhO sa iSang paGe. " nakalagay sa text.

Napangiwi si Ronron ng mabasa ang mensahe.

"Aaah, okay. NASL mo ? " tanong nya.

Naghintay ulit syang ilang saglit.

Maya maya ay tumunog muli ang cellphone nya.

"Zane, 17 F Bulacan. U ? " ang nakalagay sa reply.

Napatango tango si Ronron.

"Uhm. Ron 17 M, Manila. San ka sa bulacan ? May FB ka ? " tanong nya.

Hindi naman sya naghintay ng matagal.

Nagreply agad ang katext nya.

"Secreettt, yup may FB ako. " sabi nito.

Napaismid si Ronron.

"May pa secret secret pa, as if naman pupuntahan kita. " bulong nya.

Nagcompose ulit sya ng reply.

"Ah okay, add kita sa FB. Anong email mo ? " tanong nya.

"bhosx_zane1996@hotmail.com" reply ng katext nya.

Muntik ng mapaubo si Ronron ng mabasa ang text.

Napailing na lang sya sinearch na ang account nito sa Facebook.

May lumabas na isang account at agad nya itong kinlick.

"Naks, ang ganda ng picture. " puna nya.

Dahil sa ganda ng primary picture, naisip ni Ronron na halukayin pa ang photos nito.

Muling nag text ang babae.

"pHuwede vang makiphagkilala ?" sabi ng mensahe.

Muntik ng mangilo si Ronron sa uri ng text nito.

"Sure, uhm, ikaw ba itong nasa pictures ? Ang ganda mo pala. " pang uuto nya.

"Yes. akOh yan. " sagot ng katext nya.

Napaismid si Ronron.

"Eh bakit apat lang pictures ? " reply nya.

Agad nagreply ang katext nya.

"inDe akOh mahiliG magpics eH. " sagot nito.

Lalong napaismid si Ronron.

"K. " tinatamad na reply nya.

"Gawa mO ??? pOgi ka vaH? " reply ulit nito.

Hindi na nag abalang magreply si Ronron.

Nagbrowse na lang ulit sya sa facebook.

Binisita nya ang isang Fan Page kung saan sya nagpopost ng number.

Nagcompose sya ng message sa wall.

"W> Textmate / Callmate. Girls Only 16 - 20 Years Old. Manila Area. NO POSER PLEASE !. Here's my number 09164458523 " saad nya sabay pindot ng post button.

Muling binalik ni Ronron sa Home Page ang Account nya at nagulat sya ng makakita ng larawan ng babae sa newsfeed nya.

Isang friend nya ang nakalike sa isang Adult PAGE kung saan nagpopost ng mga malalaswang pictures.

Dahil nacurious, binisita nya ang nasabing adult page at di nya maiwasang mapailing.

"Basta talaga kalaswaan, hindi magpapahuli itong mga to. Biruin mo, umabot sila ng 100k likes sa kakapost lang ng mga malalaswang pictures ? Samantalang yung mga INSPIRATIONAL Quotes eh umabot lang sa 20k likes. " bulong nya.

Napangiti na lang ang binata.

"Pero infairness, ang kinis nito ah. May link pa ng scandal. AHaha. Kumletos rekados. " sabi nya sa sarili.

Natawa sya sa sarili.

Nirefresh nya ang facebook sa pamamagitan ng pagpindot sa F5 button.

Dahil sa ginawa, lumantad ang mga pinakabagong post ng mga friends nya.

Kumunot ang noo ni Ronron ng mapansin ang isang post ng babae.

"Hindi ako Mumurahing babae kaya wag nyo akong bastusin !. Kung wala kayong magawa at masabing Matino !, magpakamatay na lang kayo !. " sabi sa post.

Nacurious si Ronron kung ano kaya ang dahilan nito para magpost ng ganito.

Sinilip nya ang profile ng babae at bigla syang napailing.

"Paano ka naman kasi gagalangin ate, eh halos makita na nila yung large intestine mo sa iksi ng suot mo. My gulay, kung hindi boobs ang kita, legs at pwet mo ang ipinangangalandakan mo sa mga pictures mo. Eh talagang hahakot ka nga ng respeto nyan ate. My gulay talaga oh. " inis na sabi nya.

..

Patuloy na nagbrowse si Ronron.

"Langya talaga tong mga taong to. Kakain na lang kailangan pang picturan ? Anong kayang purpose ng mga to ?, Ipagyabang sa iba na nakakakain sila ng mga ganitong pagkain ? Haha. " natatawang puna nya.

"Etong isang to, kinagat lang ng lamok, pinost pa !. Eto namang isa, nakikiusap sa ubo na layuan sya ? Oh my gulay, anyare na mga taong to. " naiiling na sabi nya.

Tuloy lang sya sa pagscroll.

Naaliw na pinagmamasdan ang pinaggagawa ng ibang tao sa internet.

Di nya maiwasang matawa.

Pero bigla syang napangiwi ng may makitang isang picture.

"Like and Share if Jesus, Scroll Down and Snob if Satan. Please Like our PAGE." nakasaad sa litrato kung saan ang kalahati ay larawan ni Jesus at ang kalahati ay larawan ng isang demonyo.

Napabungong hininga si Ronron.

"Pati ang Diyos ginagamit sa mga walang kabuluhang bagay. My gulay, makatulog na nga. Goodnight Cyber World. Maloloka lang ako sayo eh. " sabi nya sa sarili.

Pinatay na nga ni Ronron ang laptop at muling pinatong sa study table nya.

Nagpunta sya sa banyo para maghilamos at magsepilyo.

Matapos nito ay pinatay nya ang ilaw at nahiga sa kama.

Saglit nyang binalikan ang mga nangyari sa araw na iyon bilang pampaantok.

Hindi naman sya nabigo, ilang saglit lang ay tinangay na ang kanyang kamalayan tungo sa walang hanggang kadiliman.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon