Chapter 4 - Charging

7.4K 75 3
                                    

Chapter 4 - Charging.....

Papikit pikit ang mga mata ni Ron habang nakatitig sa nagsasalitang guro sa harap ng klase.

Naririnig nya ang sinasabi nito, ngunit hindi halos hindi nya maintindihan ang buong lecture para sa araw na iyon.

Pinigilan nya ang maghikab ng mapagawi sa panig nya ang paningin ng guro.

Bagama't antok, inalerto nya ang sarili para hindi sya pagbintangan na hindi nagfofocus.

Kunwari ay mataman syang nakikinig at handa para sa kahit anong maaaring ibato sa kanya.

Simpleng taktika ng mga tulad nyang ayaw sa recitation.

..

Tulad ng inaasahan, hindi natawag si Ronron dahil nga sa pagkukunwari.

Nakangiting nag paalam ang huling teacher nila para sa araw na iyon.

Paglabas pa lamang nito sa pinto ay saka pa lamang nya nailabas ang pinipigilang hikab.

Pero nagulat sya ng tapakin ng kaibigang si Aldrin ang likod nya dahilan para mapaubo ang binata.

"Wala ka na naman sa kundisyon bata. Tsk tsk, napapadalas ata pagsha shabu mo ha. " biro ni Aldrin.

Napangiti na lang si Ronron.

Marahan nyang iniligpit ang mga gamit at sumandal sa upuan.

Saglit nyang pinahinga ang mga mata.

"Pre, ano bang tinitira mo ?. Mukhang solve na solve ka lagi ah. " pangungulit ni Aldrin.

Dinilat ni Ron ang mga mata at binigyan ng dirty finger ang kaibigan.

"Gago, puyat lang ako. " sagot nya.

"Alam ko, kitang kita dyan sa mukha mo. Halos maglambitin na yang eyebags mo pre. Ano ba yan ?, penitensya ? Di ka na ba natutulog sa gabi ? " tanong ni Aldrin.

Nanghihinang kumilos si Ronron at marahang tumayo.

Sinukbit nya sa likod ang bag.

"Uwi na ko, antok na antok na ko. " sabi nya.

Tinitigan lamang sya ng kaibigan.

"Baka may problema ka ? Alam mo namang pwede mo kong lapitan. Kahit na ganito ako kagwapo, may puso din ako. " biro ni Aldrin.

Natawa si Ronron.

"Gago ka talaga, pero okay lang ako pre. Medyo naaadik lang ako sa pag oonline ngayon. " palusot nya.

Natawa si Aldrin.

"Tama yan, maglaro ka na lang. Mas maganda kung wag ka na ring mag aral pre, sagabal lang ang pag aaral mo sa pag oonline mo eh. " biro nito.

Napangiti na lang si Ronron.

"Pre, uwi na ko. " paalam nya.

Kumaway si Aldrin at tumango.

"Ingats. " sabi nito.

Ngumiti si Ronron at lumabas na ng silid.

Dire diretso na syang bumaba ng management building at tinahak ang daan palabas ng campus.

Habang nag aabang ng sasakyan, nilabas ni Ronron ang lumang cellphone at tinitigan ang battery nito.

"Talagang hindi ako makapaniwala sayo, mula alas tres ng madaling araw hanggang alas sais ng umaga. ginagamit na kita. Pero ni hindi ka man lang nalolowbat. Tapos ngayon, hindi ka na naman mabuksan. Niloloko mo ata ako eh. " kausap nya.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon