Chapter 20 - Nirvana
Nagmistulang robot si Ronron sa paglipas ng mga oras.
Tumatango, ngumiti at muling tumatango.
Paulit ulit nya itong ginagawa ng wala sa sarili.
Hanggang sa sumapit ang gabi.
Isa isa ng nag si-uwian ang mga taong dumalo sa anibersaryo ng kamatayan ni Angel.
Naiwan ang mag anak pati na ang malalapit na kaibigan ng dalaga.
..
Napatingin si Angelo kay Ronron.
Tahimik na nakaupo ang binata sa likod ng kotse at nakatingin sa kawalan.
Nais nyang magtanong.
Ngunit batid nyang tulad nya, nagluluksa pa rin ang binata.
Kaya pinili na lamang ni Angelo na pabayaan ito.
..
Lumipas ang mga oras.
Tahimik ang ang buong bahay.
Bagama't pagod at puyat, hindi nakuhang makatulog ni Ronron.
Nagtutumining pa rin sa kanyang isip ang mga salitang huling binitawan ng kaibigan si Romeo.
"She's pregnant. " sambit nito.
Mahina lamang ang pagkakasabi ng kaibigan sa mga katagang iyon, ngunit pakiramdam ni Ronron ay daig pa nito ang malakas na bomba.
Ni hindi na nya matandaan kung paano nakabalik sa sementeryo.
Ni hindi nga nya maalala kung ano ang mga nangyari pagkatapos nuon.
Basta ang natatandaan nya lamang ay ang sakit.
Dobleng sakit na mas higit pa sa pagkatuklas sa pagpanaw ng kasintahan.
..
Huminga ng malalim si Ronron.
Dahil sa dami ng bagay na bumabagabag sa kanyang isipan, di kataka takang nahihirapan syang hatakin ang antok.
Dahan dahan syang napahiga.
Di maiwasang mapangiti dahil sa santambak na unan sa kanyang paligid.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...