Chapter 32 - Grace
Naglabasan ang mga katulong ng marinig nila ang pagtili ng among babae.
Di na nakapag isip si Ronron, binaba nya ang phone sa mesa at dali daling pumasok sa loob ng bahay.
Diretso syang umakyat sa hagdan at napahinto sya ng masalubong si Paloma.
Humahangos na naglalakad ang babae.
Kasunod nito ang kabiyak.
"Paloma, wait! " tawag ni Angelo.
Ngunit di sya pinansin ng asawa.
Bagkus ay dire diretso itong naglakad at bumaba ng hagdan.
Pagkuwa'y lumiko hanggang sa pumasok sa library.
Agad namang sumunod si Angelo.
Nilampasan nya si Ronron na lito pa rin sa mga pangyayari.
Nang marating nya ang library ay agad syang kumatok.
"Mahal ko, buksan mo to. Mali ang iniisip mo. " tawag nya.
Pasimpleng lumapit si Ronron.
Ayaw man nya ngunit nais nyang tulungan ang mga ito.
Ang ibang mga katulong naman ay nagsibalik na sa kanilang ginagawa na tila normal na lamang itong kaganapan.
. . .
"Mahal ko. Please, sasabihin ko sayo kung sinong kausap ko. " bulong nya.
Nakarinig sila ng lagabog sa loob.
Nataranta si Angelo at agad na tinawag ang katulong.
"Gracee!! Pakikuha nga ang susi sa kwarto! " sigaw nito.
Maging si Ronron at nabahala sa mga naririnig sa loob.
"T-tito, ako na po. " sambit nya.
Di na nakipagtalo si Angelo.
"Sige iho, mabilis bilis kang tumakbo. Sa drawer lang pagpasok mo sa room. " wika nito.
Agad na tumango si Ronron.
Diretso nyang tinahak ang hagdan at agad na tumungo sa kwarto ng mag asawa.
Pagbukas pa lang nya ng pinto, hinagilap ng kanyang mga mata ay ang drawer.
Nangislap ang kanyang mga mata ng makita ang bungkos ng susi.
Mabilis nya itong dinampot at patakbong lumabas ng kwarto.
Di na nag abalang isara ang pinto.
Pero bago pa sya makalabas, nahagip ng kanyang mga mata ang paglabas ni Grace sa silid ni Angel.
"T-tawag ako ni sir ? " tanong nito.
Naumid ang dila ni Ronron.
Nawala sa isip ang katanungan kung bakit galing ito sa silid ng nobya.
Tumango sya at mabilis na tinakbo ang hagdan.
Halos talunin nya na ang mga baitang.
. . .
Pagdating nya sa bukana ng hagdan, nakasalubong ni Ronron ang humahangos ding si Angelo.
Agad nitong inabot ang susi at muling tinakbo ang library.
Sa nanginginig na kamay, sinuksok nya ang susi at pinihit ang doorknob para magbukas.
Tumambad sa kanila ang basag na lampshade.

BINABASA MO ANG
Phone Call
TeenfikceSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...