Chapter 3 - 3 o'clock habit

9K 86 2
                                    

Chapter 3 -     3 o'clock habit

Tahimik ang buong paligid.

Tanging huni lamang ng mga insektong naka assign sa night shift ang maririnig.

Pumapasok ang malamig na hangin papasok sa kwarto ni Ronron.

Himbing na natutulog ang binata.

Hanggang sa basagin ang katahimikan ng pagtunog ng kung ano.

Dahan dahang nagmulat ng mga mata si Ronron.

Saglit na pinag isipan kung saan ba galing ang pagtunog.

Paglingon nya ay nakita nyang umiilaw ang lumang cellphone ni Ran.

Nagtaka ang binata.

"Lowbat to ah ? " bulong nya.

Pupunas pungas syang bumangon at inabot ang aparato.

Mabilis nya itong sinagot para magtigil na ang nakakarinding ringtone.

"H-hello ? " paos na tinig ni Ronron.

Walang nagsalita sa kabilang linya.

Pero nakarinig sya ng hagikgik.

Saglit na nilayo ng binata ang cellphone sa tenga para tingnan kung sino ba ang tumatawag.

Hanggang sa bigla syang natigilan.

"A-angel ? " tanong ng binata.

Muli syang nakarinig ng hagikgik.

"Tutulog tulog sa pansitan. " boses ng dalaga.

Dinampot ni Ronron ang sariling cellphone para alamin kung anong oras na.

Nanlaki ang mga mata nya sa nakita.

"Alas tres na kaya ng madaling araw. " di maiwasang mahaluan ng pagkairita ang boses nya.

"Ay, nagalit. Sorry po. Sige matulog ka na ulit. Don't worry di na ako tatawag. " nagtatampong sagot ni Angel.

Napabuntong hininga si Ronron.

"Di naman sa ganun. Pang umaga kasi ako so I have to sleep. " katwiran nya.

"Kaya nga, di na ako tatawag. Last na to. " mabilis na sagot ng dalaga.

Napahilamos sa mukha ang binata.

"Ito naman, nagtampo agad. " sabi nya.

"No it's okay. My bad. Sige po, sleep ka na. " muling sagot ni Angel.

Di maiwasang mapangiti ni Ronron.

"Haaaayyyy. How can I sleep kung alam kong may nagtatampo sa aking magandang babae ? " pambobola nya.

"Sussss, bola. Sige na. Bye bye. " sabi pa ng dalaga.

"Hey wait. Usap muna tayo. " awat ni Ronron.

"Eh galit ka eh. " malambing na sabi ng dalaga.

Napangiti ang binata.

Kung ganito kalambing ang boses ng mangungulit sa kanya sa ganitong oras, ayos na ayos lang.

"Hindi po. " sabi ni Ronron.

"Thank you. Sorry ha ? Naistorbo kita. " sabi ng dalaga.

"No it's okay, uhm. Bakit ? may problema ka ba? " tanong ni Ron.

Saglit na natahimik si Angel sa kabilang linya.

"Angel ? still there ? " tanong muli ng binata.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon