Chapter 5 - Baby Cake
Lumipas ang isang linggo mula ng unang tumawag si Angel sa cellphone na nadampot ni Ronron.
Isang linggo na rin silang diretsong nag uusap tuwing alas tres hanggang alas sais ng madaling araw.
Nuong una ay halos hindi makayanan ni Ronron ang pagbabago ng schedule ng tulog nya.
Pero dahil sa kagustuhang makilala ng lubos ang dalagang laging kausap, sinanay nya ang sarili sa panibagong routine.
Mula eskwela, diretsong umuuwi na si Ronron sa bahay at maagang kumakain ng hapunan.
Agad syang nagkukulong sa kwarto para matulog.
Mula alas sais ng gabi, natutulog ang binata hanggang alas tres ng madaling araw.
Ni hindi na nya kailangang mag alarm dahil eksaktong alas tres ay tumatawag na ang dalaga.
..
Marami na ang nakakapuna ng pagbabago ng binata.
Una na ang mga magulang lalo na ang kanyang inang si Sylvia.
Sinabihan na sya nito na hindi maganda ang kanyang ginagawa.
Ngunit tanging pagtango lamang ang ginagawa ni Ronron.
Hindi nya sinusunod ang payo ng ina at patuloy pa rin sa pakikipag puyatan kay Angel.
..
Araw ng lunes.
Alas tres ng madaling araw.
Tulad ng inaasahan, muling tumunog ang lumang cellphone.
Iinot inot na inabot ng binata ang aparato at agad na sinagot.
"H-hello. " sagot ni Ronron.
Napabungisngis si Angel sa kabilang linya.
"Ang husky naman ng voice mo. " biro nito.
Napangiti ng kimi ang binata.
Inayos nya ang pagkakahiga at inalis ang charge na nakakabit sa lumang cellphone.
"Kamusta ? " tanong ni Ronron.
"Uhm, eto. Ganun pa rin. Walang nagbago, ikaw ? " tanong ni Angel.
Nagkibit balikat ang binata.
"Same old me. Nagsimba lang kami ng family tulad ng nakagawian then kumain ng breakfast sa labas. Tapos namasyal ng konti sa mall then umuwi na rin. Medyo puyat nga eh. Pinapagalitan na ako ni Mama. " kwento nya.
"Aawww, paano yan ? Baka di mo na sagutin ang tawag ko ? " rinig ang malungkot na tono sa boses ng dalaga.
Napangiti si Ronron.
"Don't worry, kaya ko pa naman. Naninibago lang siguro ako. Daig ko pa ang call center agent eh. " biro nya.
"S-sorry. " tanging nasagot ni Angel.
"Don't say sorry. Ginusto ko rin naman. Masaya kang kausap kaya hindi ako nagsisisi na magpuyat. " pang aalo ni Ronron.
Natahimik ang kabilang linya.
Napabuntong hininga ang binata.
"Angel. Wag kang magworry saken. " sabi nya.
Nagulat si Ronron ng makarinig ng paghikbi.
"S-sorry talaga. Kung di dahil sa akin, hindi ka mapapagalitan ng Mama mo. Kasalanan ko talaga ito eh. " sabi nya.
"Ssshhh, ikaw naman. Naninibago lang din siguro si Mama. Pero wag kang mag alala. Masasanay din sya. Parang ako, nuong una nahihirapan ako sa oras ng pag uusap natin, pero look at me now. Medyo nasasanay na ang katawan ko. Hindi na ako masyadong drained sa school. Nakakasabay na ulit ako sa academics. " pagsisinungaling ng binata.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...