Chapter 6 - Study First before Anything Else

7.6K 66 1
                                    

Chapter 6 - Study First before Anything Else

Unang araw ng exam

Dalawang pagsusulit ang kailangan nilang i-take sa araw na iyon.

Una na rito ang English subject nila.

Walang problema kay Ronron ang nasabing subject dahil medyo magaling sya dito.

Hindi sya gaanong nahirapan sa pagsagot sa mga tanong kaya isa sya sa mga naunang natapos.

Pero hindi sya agad nag pakakampante.

Ang pangalawang pagsusulit ay major subject nila.

Dito sya medyo tagilid.

Hindi pa naman sya gaanong nakapag review dahil sa pakikipag usap kay Angel kaninang madaling araw.

Ng matanggap nya ang test questionaires, hindi na sya na gulat ng mabasa ang mga tanong.

Halos wala na syang matandaan sa mga nakikita nya.

Napangiwi si Ronron.

Unti unting kumabog ang kanyang dibdib sa kaba.

Ayaw nyang ibagsak ang exam na ito pero sa mga nakikita nyang mga tanong, mukhang hindi malabong mangyari ang kinatatakutan nya.

..

Pawisan na ang binata.

Apat pa lamang sa 50 questions ang siguradong sagot nya.

Karamihan sa mga ito ay puro hula lamang.

"Okay, 10 minutes left. " anunsyo ng prof.

Napahinga ng malalim ang binata ng mapansin na halos wala syang siguradong sagot sa pagsusulit na iyon.

Isa isa nyang binalikan ang mahihirap na tanong.

Ng biglang makaramdam ng tapik sa kanyang paa.

Napatingin si Ronron sa katabing si Aldrin.

Seryosong ang mukha nitong nakatingin sa kanya.

"Tapos ka na ? " pabulong na tanong ni Ronron.

Marahang tumango ang binata.

Nakaramdam sya ng inggit sa kaibigan.

Kimi syang ngumiti at muling pinagpatuloy ang exam.

Pero muling sinipa ni Aldrin ang paa nya.

"Baket ? " tanong ni Ronron.

Sinulyapan ni Aldrin ang guro na abala sa pag iikot sa buong classroom.

Ng sandaling tumalikod ito para sagutin ang isang katanungan ng kaklase nila, inabot ni Aldrin ang isang papel.

Kunot noong tinanggap ni Ronron ang binigay ng kaibigan.

Marahan nya itong binuklat at napanganga ng makita ang mga sagot ng binata.

Kinabahan si Ronron.

Nagtatanong ang mga matang napatingin sya kay Aldrin pero tumalikod na ito at humarap sa bintana.

Di na nagpakipot pa si Ron, mabilis nyang sinalin ang mga sagot na binigay ng kaibigan sa kanyang papel.

Nadismaya pa sya ng makitang 30 items lang ang binigay nito pero mas mabuti na ito kaysa mangulelat sya.

Hindi nya alam kung tama ba o hindi ang sagot pero hindi na nya ito pinansin.

Eksaktong nag bell ng matapos si Ronron sa pagkopya.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon