Chapter 31 - Pangungulila
"Pare, mag ingat ka. " seryosong bilin ni Earl.
Saglit na natigilan si Ronron bago sya dahan dahang tumango.
"Ikaw rin pare. " ganti nya.
Ngumiti lang si Earl at tumango.
Sumaludo pa sya sa binata bago tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.
..
Tahimik na pinagmasdan ni Ronron ang papalayong kotse ni Earl.
Unti unti itong nawala sa kanyang paningin hanggang sa tuluyan ng naglaho.
Napahinga sya ng malalim.
Pagkuwa'y marahang naglakad patungo sa gate ng mga Lacson.
..
Mula sa malayo, nakita ni Ronron si Grace na abala sa pagwawalis ng mga tuyong dahon.
Napangiti sya ng kimi at dahan dahang lumapit sa dalaga.
"Good Morning. " bati nya.
Napaigtad si Grace at wala sa loob na inangat ang hawak na tingting.
Akmang hahampasin nya si Ronron ngunit maagap na nakahakbang paatras ang binata.
"Ay butiki ! " hiyaw nya.
Natawa si Ronron.
"Relax, walang butiki. Ako to. " wika nya.
Napasimangot si Grace ng mapagsino ang kausap.
"Bwisit ka ! Muntik na kitang mahampas ! Bakit ka ba nanggugulat ? " tanong nya.
Napailing si Ronron.
"Oy di ah. Binati lang kita ng Good Morning eh. Di ko sinasadya kung nagulat ka. " sagot nya.
Napaismid lang ang dalaga.
"Di daw sinasadya. Pumasok ka na nga don ! Kanina ka pa hinahanap ni Senyor. " sabi nya.
Natigilan si Ronron ng maalala ang ama ni Angel.
"G-galit ba ? " tanong nya.
Nagkibit balikat lang ang dalaga.
"Hindi ko sigurado. Teka, bakit ka ba kasi biglang umaalis ng walang paalam ? Akala namin lumuwas ka na pabalik sa Maynila. " sagot nya.
Nahiya naman si Ronron.
"S-sorry, biglaan eh. " tanging nasabi nya.
Matamang tinitigan ni Grace sa mga mata ang binat.
Pagkuwa'y nagkibit balikat na lang sya.
"Pasok ka na. Nandun sya sa garden kasama si Senyora. " wika nya.
Tumango tango si Ronron.
"Salamat Grace ha ? " sambit nya.
"Salamat saan ? " tanong ni Grace.
Ngumiti lang si Ronron.
"Wala lang. Kasi mabait ka sa amin ni Rom ? " sagot nya.
Pagkarinig sa pangalan ng kaibigan ay biglang sumimangot muli si Grace.
"Okay lang yon. " sabi nya.
Napakunot noo si Ronron.
"Oh bakit parang sumama timpla mo ? " tanong nya.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Fiksi RemajaSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...
