Chapter 28 - The Flower That Never Bloom

4.7K 65 3
                                    

Chapter 28 - The Flower That Never Bloom



4 Years Ago.

Abala sa pagpinta ang trese anyos na si Jamaica.

Puno ng iba't ibang kulay ng pintura ang kanyang mga daliri.

Maging ang kanyang damit ay namantsahan na rin ngunit di nya ito alintana.

Masaya sya sa kanyang ginagawa.

Ito ang kanyang libangan pagkagaling sa eskwelahan.

Kung hindi sila lumalabas ng mga kaibigan, madalas ay nagkukulong lamang sya sa silid at nagpipinta ng kung anu ano.

..

Araw ng linggo.

Pabalagbag na bumukas ang pinto ng silid ni Jamaica.

Nagulat ang dalagita at muntik na nyang mabitawan ang hawak na brush.

Marahas syang napalingon pero bigla rin syang napasimangot ng bumungad sa pinto ang matalik na kaibigan.

"Ica ! " sigaw ni Angel.

Napailing si Jamaica at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

Patakbong lumapit si Angel sabay talon sa kama ng kaibigan.

"Tara Ics, gala tayo. " aya nya.

Umiling si Jamaica.

"Kakaalis lang natin kahapon ah. " sambit nya.

"Oh eh ano ? Kailangan kapag umalis ng saturday, di na aalis ng sunday ? " tanong ni Angel.

Pinagpatuloy ni Jamaica ang pagpinta.

"Bakit di ka na lang mag stay sa inyo ? Mamalantsa ka ng mga uniform mo. " sabi nya.

Natawa si Angel.

Nagpaikot ikot sya sa kama.

"Tapos na. " matipid nyang sagot.

Napatingin si Jamaica sa kaibigan.

"Ows ? " di makapaniwalang tanong nya.

"Tatanong tanong ka tapos ayaw mong maniwala. Walastik ka rin eh no. " biro ni Angel.

Pero di natawa si Jamaica.

"Hmm, siguro si Manang na naman ang gumawa. Sabi mo magsisipag ka na ? Anyare sa promise mo ? " paalala nya.

Umikot ang eyeballs ni Angel.

"Para ka talagang si Mommy. Nag text nga pala si Irish, mall daw tayo. " aya nya.

Muling pinagpatuloy ni Jamaica ang ginagawa.

"Walang tao dito, aalis sina Mommy mamayang lunch. " wika nya.

Natigilan si Angel.

"Na naman ? Di ba kakarating lang nila ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lang ang dalagita.

"Eh sa ganun eh. They have to work daw. " sagot nya.

"Work ? Eh Sunday ngayon ah. " paalala ni Angel.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon