Chapter 33 - Revelations
Napakunot ang noo ni Ronron ng makita ang dalagang kasambay ng mga Lacson.
Nakaharap ito sa pader.
Gumagalaw galaw ang balikat nito.
"Ano kayang ginagawa nya ? " tanong nya sa isip.
Ginala nya ang tingin sa paligid.
Walang gaanong tao sa bakuran, marahil ay abala sa pagsunod sa utos ng mga amo sa loob ng bahay.
. . .
Pasimpleng lumapit ang binata.
Dahan dahan hanggang sa halos ilang metro na lang ang layo nya sa dalaga.
Natigilan sya ng marinig ang tila pakikipagtalo nito.
Sinubukan pa nyang lumapit, pero nagulat sya ng biglang lumingon si Grace.
Impit na napatili ang dalaga, mabuti na lamang at maagap na natkpan ni Ronron ang bibig nito.
"Ssshh, it's okay. Ako to, si Ronron. " bulong nya.
Kumunot ang noo ni Grace, pagkuwa'y marahang tumango.
Dahan dahang inalis ni Ronron ang kamay.
Inayos naman ng dalaga ang sarili.
"A-anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.
Ngumiti si Ronron.
"Papasok na sana ako ng makita kita eh. Kala ko may kausap ka, pero mukhang wala naman. " puna nya at sinilip pa ang likod ng dalaga.
Natigilan si Grace.
Tila nahiya at nag iwas ng tingin.
"A-ah, ganito talaga ako. K-kamusta na si Ma'am ? " tanong nya.
Nagkibit balikat ang binata.
"They're preparing to leave. Hinihintay na lamang namin ang mga pulis. " sagot nya.
Kumunot ang noo ni Grace.
"H-ha? S-saan sila pupunta ? Bakit may pulis ? " tanong nya.
Tumiim ang mga bagang ni Ronron.
"Pupuntahan namin ang totoong pumatay kay Angel. " sagot nito.
Lalong napanganga si Grace.
"H-ha? S-sino ? P-paano mong nalaman ? " sunod sunod na tanong nya.
Natawa ng bahagya si Ronron.
"It's actually a long story. " sabi nya.
Magsasalita pa sana si Grace pero natigilan sya ng marinig ang pagbusina.
"S-saglit lang. Tingnan ko lang kung sino. " wika nya.
Tumango si Ronron.
Na curious sya kaya sumunod na rin sya.
Sabay silang nakarating sa gate.
May anim na tatlong sasakyan ang nakaparada sa labas.
. . .
"S-sino pong hinahanap nila ? " tanong ni Grace.
Ngumiti ang may edad na lalake.
"Nandyan ba si Angelo ? " tanong nito.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...