Phone Call
Original Story by TOYANTZ
Prologue
"Ma, nakita nyo ba yung charger ko ?" tanong ni Ron habang pababa ng hagdan.
Mula sa pagdidilig ng halaman, lumingon si Sylvia at napasimangot sa anak.
"Ikaw na bata ka, lagi mo na lang akong hinahanapan ng mga nawawala mong gamit. Anong tingin mo sakin ?, lost and found section sa mall ? Aba iho, mag isip isip ka, mag kokolehiyo ka na sa susunod na pasukan, tapos nakaasa ka na lang lagi sakin. " litanya nya.
Napangiwi si Ron, imbes na bumaba ng hagdan, umatras sya at muling bumalik ng kwarto.
Diretso syang humiga sa kama at binagsak ang ulo sa malambot na unan.
Pero natigilan sya ng may makapang matigas na bagay sa ilalim nito.
Kunot noong sinuksok ng binata ang kamay sa ilalim ng unan at napangisi ng makapa ang pamilyar na bagay.
"Bwisit kang charger ka, nandito ka lang pala. " sabi nya.
Hinugot ni Ron ang nasabing charger at mabilis na sinuksok sa plug ang dulo habang ang kabilang dulo ay sa kanyang cellphone.
Umilaw ang aparato at napangisi ang binatilyo.
Saglit nyang pinagmasdan ang battery bar na unti unting napupuno, bago binagsak muli ang katawan sa kama.
Nakatingala sya sa kisame at nagmuni muni.
..
Kinabukasan.
Araw ng linggo.
Pupungas pungas pa si Ron habang nakikinig sa sermon ng pari.
Pinipigilan nya lamang ang maghikab dahil siguradong makakatikim sya ng makapanginig laman na kurot mula sa ina.
Ilang saglit ang lumipas, natapos na din sa wakas ang misa.
Marahang lumalabas ang mga tao sa loob ng simbahan.
"Papa, jollibee tayo. " aya ng batang si Ran.
Napangiti ang padre de pamilya at kinarga ang anim na taong gulang na anak.
"Sure bunso. Ikaw pa, malakas ka sakin eh. " sabi ni Narcisso.
Kumapit sa braso ni Ronron ang ina at sumunod na sila sa naglalabasang tao.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...