Chapter 12 - Bangungot
Kalagitnaan ng gabi ng magising si Ronron.
Marahan syang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.
Di nya maintindihan ang sarili.
Hindi sya naiihi, hindi sya nauuhaw.
Basta na lamang syang nagising.
Parang may kung sinong nakatingin sa kanya pero ayaw nyang pag isipan ang bagay na iyon dahil unti unti ng nanayo ang kanyang balahibo.
Muli syang nahiga at pinilit ang sariling matulog.
Ngunit makalipas ang sampung minuto ay bigo ang binata.
..
Muli syang naupo.
Sinulyapan ang kaibigan sa kanyang tabi.
Mahimbing na natutulog si Romeo base sa regular na pagtaas baba ng dibdib nito.
Di nya maiwasang makadama ng inggit.
Mabuti pa ang kaibigan.
Himbing itong natutulog samantalang sya, eto at dilat ang mga mata.
..
Napabuntong hininga si Ronron.
Saglit syang nagmuni muni at pinilit hanapin ang antok.
Diretso lamang ang kanyang tingin.
Ayaw nyang iligid ang mga mata dahil madilim ang paligid.
Di naman nya magawang abutin ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto.
Masyadong malayo ito para sa kanya kahit na ilang hakbang lamang ang distansya mula sa kama.
..
Napalunok ng laway si Ronron.
May napapansin syang kakaiba.
Bumibigat ang kanyang paghinga.
Unti unti na ring namutil ang kanyang mga pawis sa kabila ng lamig dulot ng aircon.
Pinikit na lamang nya ang mga mata.
Pero parang may kung anong humahatak sa kanyang dumilat.
Pilit nyang pinaglabanan ang tuksong buksan ang mga mata.
Parang may nagsasabi sa kanyang may makikita syang kung ano.
..
Pero mahirap talagang paglabanan ang tukso.
Dahan dahang binuksan ni Ronron ang kanyang mga mata.
Para lamang mapanganga.
Bukas ang pinto.
Napatingin sya sa paligid.
Nakapatay pa rin ang ilaw.
Muli nyang binaling ang mga mata sa pinto.
Para itong bukana patungo sa ibang dimenyson base sa nakikita nya.
Dahil sa ilaw sa hallway at nakapatay na ilaw sa silid, lalong nabigyang diin ang buong pinto.
..
Muling napalunok si Ronron.
Parang tuyong tuyo na ang kanyang lalamunan at wala na syang laway pang natitira.
Kinuha nya ang kumot.
Dahan dahang tinakpan ang katawan hanggang sa ulo na lamang nya ang nakalitaw.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...