Chapter 8 - Beyond Truth
"Bakit parang biglaan naman ata anak ? " tanong ni Narcisso sa anak.
"Eh ngayon lang kami nagkontakan ulit eh, don't worry, mag iingat po ako. " sabi ni Ronron.
Nagkibit balikat ang ama.
"Ang akin eh, wala ka bang kasamang iba ? Kahit kaibigan mo man lang. Bakit ikaw lang ang mag isang pupunta don ? " tanong pa nito.
Umiling si Ronron.
"A-ako lang ata ang nasabihan Pa. Pero ewan ko, baka mag sisunuran na din yung iba. " sabi nya.
"Sa Mama mo ikaw magpaalam. " turo ng ama.
Lumapit si Ron sa inang kanina pa tahimik.
"Ma, pumayag na si Papa. Ikaw ? " tanong nya.
"Tse !, di ako papayag. Hindi ka pa nakakapunta ng Laguna. Hindi mo pa kabisado ang pasikot sikot duon. " singhal ni Sylvia.
Sumingit ang ama.
"Tama ang Mama mo. Mahirap ang lumakad kapag hindi mo kabisado ang pupuntahan mo. Lalo pa't medyo probinsya yon. " singit nya.
Naalarma si Ronron.
Mukhang mabubulilyaso pa ata ang palusot nya sa mga magulang.
Gabi nuon.
Katatapos lamang nilang maghapunang mag anak ng buksan nya ang paksa sa balak na pagpunta kina Angel.
Alam nyang medyo tagilid sya kung magpapaalam sya.
Pwede syang magdahilan na makikitulog sa isang kaklase para tapusin ang isang project, ngunit naisip nyang kailangan nyang magsabi ng totoo.
Pero hindi buong katotohanan ang nasabi ni Ronron.
Ang dinadahilan lamang nya ay pupunta sya sa isang kaibgan para umattend ng birthday bago ito magtungo sa ibang bansa para mag aral.
Kumagat naman ang mga ito.
Ngunit nahihirapan pa rin syang payagan dahil nga sa layo ng nasabing lugar.
..
"Sige na po Ma. Promise, tatawag ako every 2 hours. " pangako ni Ronron.
Natahimik lamang si Sylvia at tila nag isip.
Binalingan nito ang kabiyak na nakatingin din sa kanya.
"Ano sa tingin mo Narcisso ? " tanong ng ina.
"Malaki na yang anak mo. " tanging nasabi ng ama.
Napasimangot si Sylvia.
"Kailan ka ba aalis ? " tanong nya.
Tinago ni Ronron ang pagngiti.
"Baka po saturday ng madaling araw Ma. Para bago mag gabi, nasa Laguna na ako. " sabi nya.
"Eh kung ihatid mo na lang sya Narcisso ? Para mapanatag ang loob nating pareho. " tanong ni Sylvia.
Mabilis na nag react si Ronron.
Baka kapag ihatid sya ng ama, malaman nitong hindi nya kilala ang kanyang pupuntahan.
"Ma naman, syang ang isang araw na pasok ni Papa sa office. Saka, paano ko naman po maeexperience ang bumyahe mag isa ? " katwiran nya.
Tumango tango ang ama.
"Tama ang anak mo. Ipalagay mo nga yang loob mo Sylvia. Ginagawa mong bata yang anak mo. Hanggang kelan mo ba balak baby-hin yan ? " tanong nya.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Novela JuvenilSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...