Chapter 26 - Obsession
6 years ago.
Atras abante ang isang matabang bata.
Nasa bukana sya ng gate ng isang kilalang eskwelahan.
Unang araw ng klase.
Maraming estudyante ang naglalakad papasok ng paaralan.
Ngunit sya ay nananatili lamang nakatingin sa mga ito.
Nahihiya sya.
Hindi lang dahil sa wala syang kakilala kundi dahil sa kanyang itsura.
Oo at matagal na syang ganito pero di pa rin nya makuhang masanay.
Sa tuwing nakikita nya ang mga taong nakatingin sa kanya ay di nya maiwasang manliit.
Kitang kita nya kasi sa mga mata ng mga ito ang pagtawa na may halong pangungutya dahil sa kanyang katabaan.
..
Napahinga ng malalim ang bata.
Tinanggap na nya sa sarili na mukhang lilipas na naman ang taon na wala syang magiging kaibigan.
Di nya maiwasang mapaisip.
Nagkaroon na nga ba sya ng totoong kaibigan ?
Yung tumanggap sa kanyang itsura at hindi sya ginawang katatawanan ?
Ah, wala pa.
Tanging ang kanyang ina lamang ang nagsasabing cute na cute sya sa kanyang itsura.
Pero maliban dito, wala na.
Maging ang sariling ama ay hindi itinatago ang disgusto sa kanya.
Kesyo tamad daw syang mag exercise at puro kain na lang ang ginagawa sa maghapon.
Muli, napahinga ng malalim ang bata.
Humakbang na sya pabalik at nagdesisyong bukas na lamang papasok.
Tutal wala naman ang kanyang mga magulang sa bahay.
Di nya alam kung saan nagpunta ang mga ito pero nagising na lamang syang tanging ang yaya mula pa pagkabata ang natunghayan.
BINABASA MO ANG
Phone Call
Teen FictionSi Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglala...