Chapter 41 - Calmness

4.1K 73 47
                                        

Chapter 41 - Calmness



"Ang tagal nyo naman?" asar na tanong ni Earl habang inaabot ang mga pinamili nina Jam.Isa isa nya itong nilagay sa trunk ng kotse.Katatapos lang nyang punuin ang tangke ng gasolina habang namili ng kung anu ano ang dalawa. Agad silang pumasok sa sasakyan. Binuhay ng binata ang makina ng kotse at akmang magmamaniubra na nang biglang mag ring ang cellphone sa kanyang tabi.Nang makita ang pangalan, agad nya itong sinagot. "Oh bakit?" tanong nya.Saglit lang ang lumipas, napamura sya ng sunod sunod. "Mga bobo! Tang ina nyo! Nag iisa lang yan di nyo pa magawang bantayan! Magsikilos kayo! Hanapin nyo!" singhal nya sa kausap sa kabilang linya at tinapos ang tawag. Kulang na lang ay durugin nya ito sa kamay.Nagtaka si Jam. "What happened?" tanong nya.Sa nanlilisik na mata, nilingon ni Earl ang dalawa. "Nakawala si Ronron. " madiing sambit nya.Nagkatinginan sina Jam at Irish at halos sabay na napamura pero napahiyaw na lamang sila ng humarurot ang sasakyan.


. . . . .


Malamig na dapyo ng hangin sa kanyang pisngi ang unti unting nagpamulat sa mga mata ni Ronron.Iinot inot syang bumangon.Mula sa kinaroroonan, ginala nya ang tingin sa paligid.Pamilyar sa kanya ang lugar.Pamilyar sa kanya ang pakiramdam at di nga sya nagkamali.Napako ang tingin nya sa dulo kung saan may pigura ng isang babae. Mabilis na nag rigodon ang kanyang dibdib. Kilala nya ito. "A-angel. " anas nya.Di lumingon ang babae ngumit minuwestra nito ang tabi.Di naman nag atubili ang binata, agad syang naglakad sa palapit dito pero napahinto sya nang tumambad ang tanawin.Nasa dulo sila ng bangin ng Nirvana.Mataas na lugar at sa ibaba nito'y batuhan kung saa'y batid nyang naging huling hantungan ng kasintahan.Lumingon si Angel at ngumiti ng simple. "Natatakot ka?" tanong nito at muling tumingin sa kadiliman ng karagatan.Napalunok si Ronron at dahan dahang naupo.Pasimple nyang tiningnan ang dalaga at saglit namangha sa angkin nitong rikit.Namayani ang katahimikan hanggang sa naramdaman nyang tumayo si Angel.Agad ding tumayo ang binata. Nagtama ang kanilang mga mata.Napuno ng pagmamahal ang puso ni Ronron at wala sa sariling niyakap ang katipan.Nagalak sya ng gumanti ng yakap ang dalaga. "H-help me mahal ko. Sabihin mo kung anong nangyari sayo. " bulong nya.Umangat ang kanyang kamay para haplusin ang mahabang buhok nito.Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng isa isang itong magbagsakan sa lupa.Nuon nya lamang naramdaman ang marahang pag alog ng balikat ng dalaga. Tila ito'y umiiyak. "A-angel?" mahinang tanong nya.Dahan dahang kumalas ng yakap si Ronron para alamin ang nangyayari ngunit napako sya sa kinatatayuan.Nagbago ang mukha ni Angel, unti unti itong naging bangkay.Sa taranta, winaksi ni Ronron ang kamay kanina lamang ay nakahawak sa kanyang baywang, dahilan para maitulak nya ito at dahan dahang umatras.Huli na nang maalala nya ang kinaroroonan. Ang papaliit na pigura ni Angel ang kanyang huling nakita bago pawalan ang malakas na hiyaw.


. . . . .


Isang masakit na kung ano ang nagpabalik sa ulirat ni Ronron.Agad syang napatingin sa paligid at hinanap ang sanhi.Kita nya ang nakangising mukha ni Aaron at nakataas pa ang isang kamay.Batid nyang ang malakas na sampal nito ang nagpagising sa kanya. "A-anong nangyari? Bakit mo ko sinampal?" tanong nya.Natawa si Aaron. "Gago ka pala eh. Bigla ka na lang nagsisigaw dyan" tinabi nya ang sasakyan sa gilid ng masukal na gubat at pinatay ang makina.Nanlaki ang mga mata ni Ronron ng ilabas ni Aaron ang isang baril at tila sinisigurong may bala.Matapos ay siniksik nito sa gilid ng upuan.Pansin nyang nagtatagis ang mga bagang nito habang nakatingin sa kawalan.Naglakas loob si Ronron. "A-anong ginagawa natin dito? Bakit mo ko tinulungang makatakas?" tanong nya dahil batid nya na kung sinong tumulong sa kanyang makatakas sa kubo kung saan sya kinulong nina Earl kanina.Di agad nagsalita ang binata.Bagkus ay marahas na bumuntong hininga ito at nilabas ang cellphone.Matagal na katahimikan ang nangyari bago mahina syang nagsalita. "Hawak ko itong witness nyo. Nandito kami sa Nirvana. Puntahan nyo kame pero wag na wag kayong magsasama ng kahit sino. Kung hindi, aalis kami dito at didiretso sa pulis. Wala kong pakialam kung makulong ako. Pero sisigurahuhin kong damay damay tayo. Tang ina nyo. " galit na bigkas ni Aaron at tinapos ang tawag.Galit na pinagpupukpok nito ang manubela na nagsanhi ng sunod sunod na busina. "They framed me. Damay damay kame. Hindi pwedeng ako lang." marahas na sambit nya.Natigilan si Ronron.Nuong una ay di nya maintidihan ang tinutukoy ng binata. Kita nya ang pag diin nito sa manubela tanda ng pinipigilan emosyon.Nanatili syang tahimik. Hinayaang magkusa itong magkwento. Marahil ay ito na ang pagkakataon na malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ni Angel.Di nga sya nagkamali, para itong lutang at nagsimulang magsalita. "Mahal ko si Angel pare. Higit kaninuman." tanging nasambit nya.Napangiti ng mapait habang unti unting nagpahatak sa nakaraan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon