Prologue
"Daddy, ako na lang po ang mag-uuli sa palengke. Wala naman pong nakakakilala sa akin doon. Iisipin nila na isa lang akong miyembro ng mga taong nagvo-volunteer. Gusto ko po talagang makatulong daddy. Matapos ko pong makapagtapos ng pag-aaral ayaw naman po ninyo akong hayaan na magtrabaho. Bilang anak ng mayor ng San Lazaro. Hayaan naman po ninyong may magawa ako para sa bayan natin." Ani Neri sa daddy niya na nakaupo sa swivel chair sa pinaka opisina nito sa bahay.
Madami itong trabahong naiuwi sa bahay, lalo na at ito ang personal na bumibisita sa ilang barangay, sa mga bahay-bahay. Para matugunan ang problema ng mga mamamayan ng lungsod na kayang kinasasakupan.
Halos isang linggo din iyong pagpunta-punta ni Nicardo sa mga barangay kaya natambak ang trabaho niya sa opisina. Kaya ngayon ay iniuwi niya.
Napatingin naman si Nicardo sa anak. Nag-iisang anak lang nila ng asawa si Neri. Kaya naman, talagang pinakaiingatan niya ang dalaga. Kahit sabihing nasa tamang edad na ito dahil twenty two na ito ay baby pa rin nila ito ng asawa.
Mula kasi ng maipanganak si Neri ay nagkaroon ng komplikasyon sa reproductive organ ang mommy nito na si Rozalyn kaya pinayuhan sila ng doktor ng agarang operasyon. Kaya naman napakaswerte pa rin nilang mag-asawa na dumating si Neri sa buhay nila bago nangyari ang bagay na iyon. Dahil sa nangyaring iyon kay Rozalyn ay hindi na ulit sila mabibiyayaan ng anak muli.
"Paano mo ba nalaman na pati ang palengke ay dapat puntahan?"
"Narinig ko po kayo noong may meeting po kayo kasama sina konsehal at vice. Tapos nakinig po ako sa usapan po ninyo. Wala naman po akong magawa eh. Kaya po ayon. Daddy palengke lang ang pupuntahan ko hindi ako pupunta sa mga barangay. Malapit lang naman ang palengke daddy. Payag ka na daddy. Love mo naman ako di ba? Daddy." Wika ni Neri na ikinabuntong hininga ni Nicardo.
"Hija, maingay at magulo sa palengke. Pero alam ko namang magkakasundo at mababait ang mga tindera doon, ganoon din ang ibang nagtatrabaho pa at." Ani Nicardo sa anak, na hindi natapos.
"Talaga daddy? Mas madaming tao, mas madami po akong makakausap at makakasalamuha. Gusto ko doon daddy. Payagan mo na ako." Nagniningning pa ang mga mata ng anak ng marinig na maingay sa palengke at madami talagang tao.
Napahilot naman ng noo si Nicardo. Alam niyang madaldal ang anak niya. Napakadami din nitong tanong noong bata pa ito, na minsan ay hindi na rin niya malaman kung paano sasagutin dahil sa sobrang dami naman talaga ng tanong nito.
"Nagkamali yata ako ng pagkakasabi." Bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin ang kanyang anak na wari mo ay sobra talagang nagagalak sa narinig.
"Daddy, mas gusto ko pong makisalamuha sa mga tao sa palengke. Promise po magiging friendly ako. At tunay naman pong friendly ako di ba? Kahit nga po iyong aso sa daan kinakausap ko kaya magkaibigan na po kami." Nakangiting saad pa ni Neri na mas lalong napahilot si Nicardo sa sentido.
Nakita niya iyong tagpong iyon. Kasama niya ang kanyang anak sa pangungumusta sa mga taong nasalanta ng bagyo noong nakaraan. Kasama ang ilang volunteer at kawani ng munisipyo ay nagdala sila ng mga relief goods at mga personal na gamit para sa isang barangay na sobrang nasalanta ng bagyo. Ang ipinagpasalamat ni Nicardo ay walang nawalang buhay sa pagdaan ng bagyo.
Noong araw na iyon ay may nakasalubong silang asong kalye, na nangangailangan ng atensyong medikal. Tumawag siya sa animal rescue ng kanilang probinsya para matulungan ang mga hayop na naninirahan sa lansangan para mailigtas at mabigyan ng maayos na tirahan at pagkain. Iyon nga lang pagbalik ng tingin niya sa anak, ay hawak-hawak na nito ang aso habang kinakausap ito. Napangiwi pa siya, lalo na akala mo ay nagkakaintindihan ang aso at ang kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
RomanceBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...