BEXTON
Puro Orientation lang ang nangyari at kahit na ganun parang na-drain agad ako, hindi ko malimutan mga masasamang tingin sa 'kin ni Sir Ruffus.
Kamot ulo akong nagha-handa para sa lunch when girls sa block ko ang lumapit sa 'kin. "Hi, you're Bexton, diba?" I smiled and nodded. Kita ko na mukhang kinikilig pa sila when I showed them my teeth.
"May lahi ka ba?" One of them asked.
"Are you into basketball?" Other questions.
"Facebook? Meron ka?" Kamot batok ako dahil sa sunod-sunod nilang pagtatanong. I was about to speak when a voice cut us off, "Kung gusto n'yong lumandi, find a room." The voice is baritone at masyadong nakapa-ninindig balahino but I rather find it...sexy?
I turned my head around and saw Rafael. Siya yung lalaki na ka-tabi ko kanina. He's not looking at us, naka focus siya sa pag-aayos ng kanyang gamit and once he stood up ay kalakihan pala 'to kaysa sa 'kin.
I'm only 6'0, ako nga yata ang sumunod sa maliit sa amin nila Alistair. He's 6'3? I guess.
Tumigil siya sa harapan namin at binigyan ako ng matalim na titig, "You're new, act decent." Sabay alis.
Anong problema sa mga tao rito at laging gusto akong samaan ng tingin?
"Nagsasalita pala si Rafael?" I heard one of the girls said kaya napatingin ako sa kanya. "Ganun ba talaga 'yon?" I can't help but asked pointing kung saan dumaan si Rafael.
The girls shake their head in sync bago magsalita yung isa sa kanila, "Hindi eh, Rafael is a very quiet guy. Once in a blue moon lang yata namin siya maririnig magsalita, if he does, sobrang hina naman, very different sa appearance niya." Then they nodded in sync making me slightly chuckle.
I gave them my Facebook account bago nagpaalam. Tiningnan ko naman yung GC namin and saw a bunch of messages galing kay Darrel.
Darrel Andaya: where are you, Morris?
Darrel Andaya: Gutom na kami. Where are you?
Darrel Andaya: @Bexton Morris kapag wala ka pa rito in less than 3 minutes, we will ditch you.
Sabay send ng picture ng table kung saan makikita ko si Alistair na nahikab, Topher and Arian na nag-aaway sa isang T-square, Teanna na nag-aayos ng buhok, Oscar na may kausap na tatlo pang babae na hindi ko kakilala, mukhang circle rin yata nila.
Dali-dali akong nagtype ng reply at binulsa ang phone ko, nandun sila sa cafe na binilhan ko kanina kaya naman wala akong inaksaya at lumabas sa school.
Nang makarating, pagpasok ko pa lang ay rinig ko na agad ang ingay nila, lalong lalo na sila Topher and Alistair. "Bex!" Tawag sa 'kin nila Teanna.
I smiled at pumunta sa puwesto nila. My boy friends stood up and hugged me.
"I miss you, dude!" Sigaw ni Alistair sabay suntok sa dib-dib ko making me groan and chuckle at the same time.
Topher was grinning and gave me a fist bump before hugging me, same as Oscar na tawang tawa pang lumapit sa 'kin.
Maangas namang tumango sa 'kin si Darrel bago tinapik ang balikat ko. I miss them so much! Ngayon lang yata uli kami nakompleto.
"Whoa, years had passed si Topher pa rin ang maliit sa atin!" Hirit ni Oscar dahilan para kantyawan namin ang kawawang Architecture na kaibigan. He gave us the finger kaya sabay-sabay kaming nagtawanan.
The boys introduced me sa tatlo nilang kaibigan since nakilala ko na si Teanna and Arian.
"Bex, meet Gabe, Jeriss, and Anja," The girls shake my hand. Gabe is more of a morena type, her hair is naturally curly. Jerris in the other hand is more of a brownish skin toned, her hair is sholder length, while Anja is light skinned and more of a pony girl with bangs, it suits her.
These girls are very gorgeous. No wonder the boys bond with them. "Bexton Morris," pakilala ko.
We settled na maupo and ordered my drinks and bread dahil naka order na sila. I just ordered a lime lemonade and pasta, I'm craving for one of those lately.
"Bex, kumusta pala old school mo?" Oscar asked while braiding Gabe's hair, "Kapag ba kinalbo kita, ganun pa rin tubo ng buhok mo?" Bigla niyang tanong sa babae kaya humalagapak kami nang batukan siya ni Gabe.
Nang kumalma. I wet my lips sliding my hands in my pockets, "Ayos lang? But my grades... aren't good." Napangiwi ako nang maalala ang mga bagsak kong grades non kaya halos kailangan ko talagang maghabol.
Oscar face sour while Alistair start laughing kaya nangunot noo ko. "Kakapal ninyo ah, I'm not like y'all, okay? I'm a slow picker.." Inakbayan naman ako ni Darrel at ginulo buhok ko. "Ayos lang 'yan, dude. We are here to help you naman."
I smiled at sakto dumating ang order ko. Jeriss start talking about his classmate na gwapo, the girls was so invested while us boys are having our own problems.
"Try mo kayang maging varsity, Bex? All of us are varsities, recommend ka namin kay coach?" Topher asked and I shook my head. Magaling naman ako sa sports dahil lagi ko silang kalaro noon, pero sa lagay ko ngayon sa acads ay malabo, baka mas lalo akong bumagsak.
"I'll pass, I need to focus on my studies more. Strict din kasi yung isa kong teacher, si Sir Ruffus." Nagulat ako when all of them groan, even the girls stopped talkings at napatingin sa akin.
"Si Sir Ruffus prof mo? Saang sub?"
"Dude, you're fucked."
"Halos every year walang student na hindi bumabagsak at umiiyak d'yan kay sir."
"Makunat 'yang teacher na 'yan!"
Halos puno ng side comments and table namin, kaya mas lalo akong kinakabahan para sa sarili ko.
Anja took out her phone at pinakita sa akin ang isang picture ng isang lalaki, "He's Jardon, naging teacher niya rin si Sir Ruffus. Binagsak eh major sub ang hawak nun, next year ay nag-ibang school." Tumango ang lahat.
Teanna pat my shoulder habang kita ko ang awa sa mga mukha nilang lahat. "Turuan ka na lang namin lumuhod, Bex," Biro ni Alistair kaya nagtawanan ang lahat samantalang ako ay napanguso.
Wala talagang preno mga bibig netong mga 'to, kung minsan ang sarap hampasin. "Mabait naman 'yan si Sir, kapag tulog," Humalagapak kami sa sinabi ni Alistair.
"Mabait lang naman 'yon sa kapatid niya," Singit ni Arian at kumuha sa pagkain ni Topher kaya nangasim ang mukha nito.
I was chewing my pasta at napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon, I saw Rafael na may mga kasama. Not gonna lie, akala ko ay loner siya o sadyang judgemental lang ako.
Napatingin yung girls sa gawi nila at narinig kong bumulong si Jeriss, "Ang pogi at ganda talaga ng circle ni Rafael ano?" Napakurap pa ako when I saw Rafael looked at me. Ngumiti ako sa kanya at mabilis niyang iniwas ang paningin niya, dumaretsyo sila sa kabilang table at tahimik na umorder.
"Sino yung isang guy? Bago ba?" Tanong ni Teanna sa lalaking naka headphones at kulay pula ang buhok. "Ah si Azael 'yan, basketball player, varsity sa kabilang school," Sagot ni Gabe.
I heard Darrel whisper something in a belligerent tone kaya napatingin ako sa kanya, naka kunot ang kilay nito habang nakatingin sa lalaking pula ang buhok who's in his own world humming on the music sa headphones niya.
Nahagip ko ang tingin ni Rafael sa puwesto ko, he's glaring at me kaya naman napangiwi ako and forced a smile.
Ano na namang ginawa ko sa kanya at galit na galit siya sa 'kin?
PSYCHOTIC THREESOME
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME