chapter twenty six.

1.2K 50 59
                                    

BEXTON

One month na pero Thesis pa rin ang inaalala ko. Kent keep saying na siya na raw bahala, madali lang daw pero I keep trying to confront him pero wala pa rin.

Naging style ko na rin magrant kila Ruffus and Rafael. Ruffus even said na kakausapin daw niya si Kent but I refuse. Baka kasi isipin ni Kent na sinusumbong ko siya even if he's assuring me.

Ang problema ko lang ngayon ay malapit na ang pasahan.

"Alam n'yo, may kakaiba sa inyo." Natigilan kaming lahat nang sabihin 'yon ni Gabe habang nanliliit ang mga matang nakatitig sa aming Boys.

"Ha?" Sabay-sabay naming tanong.

Even the other girls squint their eyes staring at us kaya nailang ako at napatingin sa iba. Lahat yata ay nagtataka, biglaan kasi pagsabi ni Gabe.

"What do you mean?" Darrel asked while he was typing on his phone ng walang tinginan.

"Ewan ko pero ang fishy ninyo these past few days." Nagkatinginan kaming lima.

"Now that you mentioned it, oo nga ano?" Said Teanna and the confusion sa aming mukha grew. Tang ina wala kaming maintindihan sa sinasabi nilang lahat.

"Alistair stopped talking about girls, pansin ko rin na hindi ka na masyadong umaaligid sa ibang departments para maghanap ng new 'chixs' mo," said Teanna habang nanliliit ang matang nakatingin kay Alistair.

"Oscar and Darrel naman masyadong busy sa phone, kay Oscar alam na namin kung bakit but sa'yo Darrel? Meron na ba?" Jerris joked at tiningnan naman siya ng masama si Darrel.

"Malapit na ang finals so it's better to stay focus, Jerris." Darrel cock his head boyishly. Kita ko ang tense sa hangin sa pagitan ng dalawa kaya napangiwi ako.

"Si Bexton naman minsan na lang nasama sa atin," Said Anja na seryosong nakatitig sa akin. "May iba bang mga kasama?"

Hindi ako nakasagot dun. Hindi nga pala alam ng girls ang about sa relationship naming tatlo nila Rafael, may balak naman akong sabihin kaso siguro hindi pa muna ngayon...

Habang patuloy sila sa interogation sa amin ay nagulat ako nang lumapit sa akin si Kent. "Bexton, pinapatawag tayo ni Ma'am Enueva." Tinignan ko ang mga kaibigan ko and they were glaring at Kent.

"Punta lang kami kay Ma'am," Paalam ko. Hindi pa rin naalis ang kanilang mga titig nang maglakad kami paalis. Ewan ko ba kung nakita 'yon ni Kent pero parang wala siyang pakielam o sadyang hindi lang talaga niya nahalata.

"Paano pala yung thesis natin?" Tanong ko pero hindi niya ako sinasagot. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa faculty.

Pagpasok ay nakita namin si Mrs. Enueva kasama ang ibang teachers, kahit si Ruffus ay nandun at seryoso ang mukhang nakikinig sa usapan nila.

"Ma'am, nandito na po kami," Singit ni Kent. Nagtinginan naman ang lahat sa amin. Ruffus looked at me and his face softened pero nang bumaling siya sa katabi ko ay sumama ang mukha niya.

Bakit kaya?

"Come in, I need to talk to you two." Dun na ako kinabahan. Sa boses pa lang kasi ni ma'am ay parang ayoko nang pumasok eh.

May nagawa ba ako? Nanahimik naman ako ah...hindi nga ako nagawa ng scandalo sa school.

"Mr. Lee, balita ko ay hindi ka raw natulong sa activity ninyo." Dun ako natigilan. Napatingin ako kay Mrs Enueva na galit na nakatingin sa akin, bumaling naman ang mata ko kay Kent na nakangisi kaya mas lalo akong nagtaka.

"Hindi po, tanong nga ako ng tanong about sa update kaso hindi naman niya ako pinapansin o nire-replyan," Ani ko. Tiningnan naman ni Ma'am si Kent at umiling naman ito.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon