chapter four.

2.9K 108 36
                                    

BEXTON

Hindi nila ako tinantanan nung araw na 'yon. Mas makulit si Alistair at Teanna. Tahimik akong nakikinig sa lecture ng teacher namin nang mag vibrate ang phone ko kaya naman pasimple ko 'yong tiningnan.

Galing 'yon kay Sir. Medyo naninibago ako, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng interaction sa isang teacher.

Ruffus Enul: Where are you?

Bexton Morris: Class po, sir.

Ruffus Enul: it's already lunch, overtime?

Bexton Morris: opo

Ruffus Enul: tell you prof na mag Dismiss na, sino teacher mo ngayon?

Napatingin ako kay Ma'am Enueva na patuloy pa rin sa pagtuturo.

Bexton Morris: Ma'am Enueva po

Ruffus Enul: of course, it's her. Tell her na mag dismiss na, pinapasabi ko.

Napakamot ako ng ulo. Wala akong nagawa kundi tumaas ng kamay, "Yes Mr. Lee? May question ka ba?"

"Ahh...ano ma'am, pinapasabi po kasi ni Sir Ruffus na i-dismiss na po ang klase dahil lunch na po." Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am Enueva kaya kinabahan ako. "Ganito ka ba ka-bored sa klase ko kaya dinadamay mo si Ruffus, Mr. Lee?" Mabilis akong umiling.

Akmang kukuhanin ko yung phone ko para ipakita sa kanya convo namin nang bumukas ang pinto at niluwal nun si Sir.

"Sir, nandyan po pala kayo. May sasabihin-" Hindi pinatapos ni Sir si Ma'am Enueva nang magsalita ito. "Take your lunch everyone, you too Mrs. Enueva," May talim sa tinig ni Sir kaya naman agad na sumunod ang lahat.

Nagbubulungan pa mga students na nakatingin sa 'kin at kay Sir habang palabas, kahit si Ma'am ay lumabas na rin na nakatungo.

Napangiwi ako nang tumingin sa 'kin si Sir Ruffus, he was holding a Green lunch box at tumungo sa pwesto ko. Nilapag niya ang lunch sa aking table, "Sino kasama mong kakain?"

"Mga kaibigan ko po, kayo?" Tanong ko. He licked his lips kaya napatingin ako dun pero bumalik din sa mata niya, "None, here eat this. Stop wasting your money over foods sa labas, eat healthy." Sabay alis. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang siyang maglakad palabas ng room.

"Thank you, sir!" Sigaw ko at kinuha yung lunch box. Kinuha ko na rin gamit ko at tumungo sa Cafe dahil dun na kami madalas na natambay.

I chuckle hearing their voices nang makapasok. When they spot me, the boys start calling my name and cheering. I grinned at umupo sa upuan ko. "Ano order natin?" Tanonv ni Alistair but I shook my head at nilabas yung lunch na binigay sa 'kin ni Sir.

"Uy, bago. Ano ulam?" Tinabig ko mga kamay nila. Uunahan pa ako ng mga gago.

Pagbukas ko ay nanlaki ang mata ko dahil parang bento na nakkita ko sa Facebook ang ayos nun. Those videos of moms na nagpre-prepare ng lunch for their kids.

Nakakatuwa lang dahil shaped ng dinosaur yung itlog at may mukha yung kanin gamit ang ketchup.

Eggs, sausage, lettuce, onions, broccoli, fried rice and some dark chocolates for dessert. "Boy, pahingi!" Hirit nila Oscar at akmang kukurot sa ulam ko kaya pinagta-tampal ko mga kamay ng mga ugok.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon