BEXTON
"Ang ganda, pre!" Kinikilig na ani ni Alistair at pinakita sa min ng isang picture ng nursing student. Pinakilala yata ni Teanna. "Umayos ka, Alistair. Grabe pagpapalakas ko sa'yo d'yan dahil sa ka-gaguhan mo!"
Napatingin ako kay Oscar na busy na nagty-type. I looked at his phone and saw na may ka-chat siya pero mukhang hindi sa messenger. Kitang-kita ko yung reply niyang 'I miss you so much, daddy.' Sa chat na, 'How are you, babygirl? Did you miss me?'
"What's that?" Tanong ko. Napatingin naman sa'kin si Oscar and shamelessly face me his phone. "Dude, I found my victim," Ngiting-ngiti niyang sagot at bumalik sa pagcha-chat.
Napangiwi ako sa reply niyang, 'I want you here with me, daddy.' Bago pa ako makabasa ng kung anong ka-hayupan ni Oscar ay nilihis ko na lang paningin ko papunta kay Darrel na nagpu-push-ups habang nasa likod niya si Topher na naglalaro ng gameboy.
Parang gusto ko rin. "Pasakay!" Bigla kong sigaw kaya napatingin ang lahat sa 'kin.
"Saan?" Tanong ni Gabe na kalaro si Anja ng baraha.
Tinuro ko si Darrel at Topher. "Darrel pasakay daw si Bexton," Ani ni Teanna. Agad namang tumingin sa'kin si Darrel at ngumiwi, "Can't, malapit na'ko sa goal ko. Bibigay na rin kamay ko, baka hindi ko makaya bigat mo, Topher is lighter than you kaya siya pinili kong weight."
Napakamot ako ng ulo. "Hala gusto ko rin! Oscar, push-up ka nga!" Sigaw ni Arian nang makapasok.
"Ayoko, d'yan oh kay Bex!" Busy pa rin yata sa Daddy niya kaya ayaw. Tumingin sa 'kin si Arian na nakangiti kaya kamot ulo akong umiling. Ako nga gustong maka experience tapos sila makikiano?!
Bigal na lang tumayo si Jerris at naghubad ng hoodie, naka suot naman siya ng sando na fit sa kanyang katawan. Maganda hubog ni Jerris at may biceps dahil batak siya sa sports kaya naman nahuhulma ang katawan niya kahit babae. she's in a messy bun at pumorma ng push-up...nang panglalake.
"Sa'kin, bilis." Arian squeal at umupo sa likod ni Jerris na walang ka-hirap-hirap na nag push-up. Sabay sila ni Darrel. "Ako rin!" Sigaw ni Gabe at umupo sa tabi ni Arian.
Nagulat ako sa lakas ni Jerris dahil tuloy-tuloy lang siya pero alam kong nahihirapan sa bigat dahil kapag a-angat ay she's making a groaning sounds.
"Hoy sali, paligsahan!" Sigaw ni Alistair at naghubad ng shirt at pumuwesto sa gitna nung dalawa. Mabilis pa sa mabilis akong umupo sa likod niya, halos nagunahan kami ni Anja at Teanna sa likod.
Napatingin naman sa amin si Oscar at ngumisi, "Sali nga!" Tumayo ito at tumungo kay Darrel. "Putang ina mo, Oscar! Lumayas ka, malapit na akong matapos, tatadyakan kita!" Sigaw ni Darrel.
Wala namang pake ang kaibigan namin at pinausod si Topher na busy sa gameboy. Nang upuan ni Oscar ang likod ni Darrel at nagpakawala 'to ng malakas na ungol. "Putang ina, ang bigat mo, gago!" Pero kahit nahihirapan at nanginginig na ang kamay niya at nakailang angat pa si Darrel bago tuluyang bumagsak.
Si Jerris naman ang sumunod at proud na ngumisi si Alistair. Umalis kami sa likod niya at natawa ako dahil inangat pa niya ang kanyang mga paa sa ere habang nakatukod ang mga kamay sa sahig, now he's balancing himself gamit ang mga kamay. "Victory stance, bro!" Sigaw niya sabay tumambling at naglanding sa mga paa ng walang ka-hirap-hirap.
Yabang talaga ng lalaking 'to.
"Oo nga pala, sa summer break Pampanga tayo! May resort na napuntahan si Anja, maganda raw dun!" Excited na kwento ni Teanna. Ayun yata yung matagal na nilang pinag-uusapan.
"Tagal pa ng summer break, may exam pa," Sabat ni Oscar kaya naman natahimik ako.
Oo nga pala. Kailangan ko ng mag advance ng review, hindi naman ako ganun ka-galingan para makakuha ng mataas na score. Hindi nga ako malakas kay God kaya for sure hindi rin ako matutulungan ni Batman.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME