chapter thirty one.

872 37 77
                                    

BEXTON

"Sinabi ngang hindi ako 'yon!" Sigaw ni Ma'am Enueva nang puntahan namin ang kanyang bahay kinabukasan. Napatingin ako kay Ruffus na galit na galit at inaawat lang namin nila Rafael.

"Ano ba Sallienjo? Lalake sa lalake, ako ang harapin mong hayop ka, hindi asawa ko!" Galit na sigaw ni Mr. Enueva at pasugod sa amin kaya nag panic kaming lahat.

Buti na lang kamo inawat siya ng kanilang mga anak, "Pa, awat. Pag-usapan n'yo ng mahinahon 'to."

"You!" Tinuro ni Ruffus ang guro naming babae. "How dare you spread that, Enueva!"

Dinuro rin ng babae si Ruffus at galit na sumigaw, "Anong ako?! May proweba ka bang ako? At anong kasalanan ko d'yan kung ikaw naman ang nagkasala, tinitingala ka pa namang propesor pero ganun pala ang totoo mong pag-uugali?! Nakakahiya ka, Sallienjo!"

"Ma'am Enueva, walang galang na po pero nakita namin ang number mo sa cellphone ni Kent, sinabi rin niya sa amin na hineram mo yung phone niya bago ma-i-post 'yong anonymous post galing sa anonymous user," Singit ni Alistair na seryosong nakatitig sa guro.

Gulat ako nang tingnan ako ni Ma'am at agad akong dinuro pero humarang si Rafael, "Stop denying, kahit na tawagan namin ang number ng account sa'yo at sa'yo pa rin bagsak n'yan."

"Pwe! Ano ngayon kung ako ang nagpost? Bakit? Natatakot na ba kayo dahil sa mga kawalanghiyaan n'yo?! Hindi ako makakapayag na may salot sa paaralan namin, hindi porque mataas ang tingin sa inyo ng lahat dahil matalino kayong dalawa ay magpaparaya na ang school sa pandaraya na ginagawa n'yo!" Inis niyang sigaw.

Lahat kami ay nagka-tinginan at alam kong kanina pa nagpipigil si Ruffus na hindi magsalita ng masama dahil umuumbok na ang kanyang ugat sa noo.

"Anomg pandarayang pinagsasabi mo?" Matalas ang bibig ni Anja na nakapamewang.

"Ayan! Alam kong binibigyan nila ng special treatment si Lee, hindi ba?! Hindi ako naniniwalang makakapasa 'yan sa exam, kita n'yo namang mang-mang ang batang 'yan! At ang relasyon n'yong tatlo? Maka-tao ba 'yan?! You're a professor, Mr. Ruffus and you know the law, you can't have a relationship sa isang student, worst ay pinagsasabay ninyo pang magkapatid ang iisang tao!"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Even I am ashamed, hindi sa relasyon namin, hindi kay Ruffus o Rafael. I was ashamed dahil ako ang nagiging sanhi ng ka-guluhang ito.

Napatungo ako sa hiya when Rafael held my hand kaya nagulat akong napatingin sa kanya. "Who said na ka-relasyon ni Kuya ang Boyfriend ko?"

Everyone looked at him, even me. Takang taka ako sa sinasabi ni Rafael kasi boyfriend ko silang pareho. Nakita ko pang nagka-tinginan yung dalawa bago mahinanh tumawa si Ruffus.

"Is this all about this shit? Are you that desperate na paalisin ako sa school that's why you're spreading rumors about me?" Walang emosyong tanong ni Ruffus while cocking his head na iki-na-tigil ni Ma'am Enueva.

Even Mr. Enueva shut a brow looking at his wife.

"Liar! Alam ng lahat you're doing favorites, Ruffus. Kahit ano pang sabihin ninyo mali pa rin ang pinaggagawa mo!" Sigaw ni Ma'am.

Ruffus tilted his head blowing a sighed bago dinuro ang anak ng matanda. "Putang ina, alam kong kababalik mo lang galing Canada pero masasapak ko 'yang nanay mo."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Ruffus even Mr. and Mrs Enueva na ngayo'y namumula na sa galit. Kamot-ulong ngumiwi ang anak ng matanda, "Sir naman, pag-usapan na lang natin ng masinsinan 'to."

"Tell that to your parents, kapag ako napikon susupalpal ko sa mukha ng nanay mo records ng mga students na tinulungan ko para makapagtapos, including you." Kita kong lahat ay naguguluhan, even the old married couple.


PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon