chapter twenty five.

1.4K 50 237
                                    

BEXTON

Nang makarating kami ay halos hindi ako makapakali. Gusto kong sakyan lahat ng rides.  "Sa vikings tayo!" Yaya ko.

Kita kong nagka-tinginan yung dalawa at tumango. Agad kaming pumila.

"Dala mo inhaler mo?" Rinig kong tanong ni Ruffus kay Rafael.

May mga taong pinagtitinginan kaming tatlo pero naka tuon ang pansin ko sa malaking barko.

"Ang pogi..."

"Papicture kaya tayo?"

"Pogi yung nakasalamin."

"Magkapatid yata sila nung isang matangkad."

"Baka magkakapatid silang tatlo? Pogi rin yung medyo maliit sa kanila."

Napatingin tuloy ako sa dalawa na nakatulala na nakatingin sa ride. Mukha ba kaming magkakapatid? Napanguso ako dun at kinuha ang phone ko.

"Picture tayo." Napalingon sila sa akin at pumwesto sa magkabila ko. Tinapat ko ang phone ko sa aming tatlo at ngumiti habang sila ay seryosong nakatitig sa camera.

"Ngumiti naman kayo!" Inis kong ani. Natawa ako kasi pilit ang ngiti na ginawa nila, ewan ko ba kung natuturing pang ngiti, para lang silang natatae.

I clicked the button. Nakailang pictures pa kami na puro naka wakey and make face but pinaka nagustuhan ko ay yung nakahalik sila sa magkabila kong pisngi habang ngiting ngiti ako sa camera.

"Oh my God..."

"Magjowa silang tatlo?!"

"May ganun pala?"

"Gaga, nagbabasa ka nga ng manhua na apat-apat kaya alangan meron!"

Nang umusad na yung pila ay mabilis ko silang hinatak. "Dun tayo sa dulo para mas mataas lipad!"

"Wala bang seatbelt?" Takang tanong ni Ruffus habang naghahanap ng seatbelt. "Wala, boss. Kapit ka na lang hehehe," Sagot ni kuya na nag-aalalay sa mga sasakay.

"What the fuck? Walang seatbelt!?" Takot na tanong ni Rafael sa gilid ko.

"Oo boss, kapitan na lang talaga 'yan. Malalaki naman kayo, kaya n'yo na 'yan." Bago pa sila maka react ay umandar na yung arko. Mahina lang sa una pero rinig na rinig ko agad pagmumura nung dalawang katabi ko.

Nang lumakas ay lumakas din sigaw nila habang ako ay tawa nang tawa. Pati yung mga nasa unahan namin ay napapatingin. Ang lalalim kasi ng mga sigaw niya, hindi mo rin aakalaing ganyan react eh ang lalaking tao.

"Fuck! Fuck! Fuck! Kumapit ka Rafael!"

"Tang ina mahuhulog ako! Mahuhulog ako!"

Patuloy ako sa pagtawa dahil sa sinasabi nila. Kahit sila kuya na nago-operate ay natatawa na rin habang nakatingin sa amin.

Pagbaba ay lambot silang nakasunod sa akin. Hindi ko na alam kung maaawa ba ako o matatawa. "Sure kayong kaya ninyo?" Ngiwi kong tanong.

They gave me a thumbs up. "Sa rollercoaster naman!" Sigaw ko at nanlaki ang mata nilang napalingon sa akin.

Nakailang rides kaming sinakyan. Tumigil lang ako kasi sumusuka na sila sa basurahan, pinagtitinginan tuloy sila ng mga nadaan. "Ayos lang kayo? Pahinga muna tayo..."

We're now sitting sa isang table and chairs na may umbrella. Nakadukdok yung dalawa sa lamesa habang ako ay tinitingnan ang mga pictures naming tatlo.

May epic pictures pa nila na kinuha ko kaya mas natawa ako.

"Damn, youth these days are fucking scary," Bulong ni Ruffus sa tabi ko ay tinanggal ang salamin niya kaya napatitig ako sa kanyang mukha. "Bagay sa'yo walang salamin."

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon